Pananaliksik - Tekstong Impormatibo

Cards (20)

  • Tekstong Impormatibo
    • Tekstong naglalahad, nagpapaliwanag
  • Pandama:
    • Paningin
    • Pandinig
    • Pang-amoy
    • Panlasa
    • Pansalat
  • (Ricoeur, kay Klemm 2008)
    Ang pangunahing layunin ng tesktong deskriptibo ay magbigay ng impormasyon upang maglinaw, magpaliwanag, o lumikha ng isang partikular na damdamin (mood) ng mambabasa. Ginagamit nito ang wika upang tulungan ang mambabasang makabuo ng mga imahen o makita sa isip ang mga proseso. Inilalabas nito ang kakayahan ng mambabasang salaminin ang tunay na mundo, ang estruktura at nilalaman nito.
  • (Gramley at Patzold 1992)
    Mahalaga sa tekstong deskriptibo kung nasaan ang nagbibigay ng paglalarawan at ang inilalarawan- kung nasa kaliwa o kanan, nasa harap o likod, nasa loob o labas at iba pa; gayundin kung sino o alin ang nauna o nahuli. Kaya naman mahalaga rin ito sa mga tekstong naratibo o sa pagsasadula ng mga pangyayari.
  • Obhetibong Paglalarawan
    • paglalarawan na naglalarawan ng mga bagay, lugar, o pangyayari nang direkta at obhetibo. Walang personal na opinyon o emosyon ang nakikita rito.
    • Factual
  • Subhetibong Paglalarawan
    • uri ng paglalarawan na isinasama ang emosyon, opinyon, o saloobin ng manunulat.
    • personal na karanasan o interpretasyon.
  • Piguratibong Paglalarawan
    • paggamit ng mga talinghaga, simili, o metapora upang bigyang-kulay o bigyang-diin ang paglalarawan.
  • Tayutay
    • mga pahayag na gumagamit ng mga salita sa isang di-pangkaraniwan o hindi literal na paraan upang mapaigting ang bisa’t kahulugan.
    1. Pagwawangki (Simile)
    • pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay.
    • gamit ang terminong “kagaya”, “kapara”, at “katulad”.
    Ex. Katulad mo ay labong; tumatayog, walang dahon.
  • 2. Pagwawangis (metaphor)
    • gumagamit ng isang bagay o idea upang kumatawan sa ibang idea o bagay at ipahiwatig ang kanilang pagkakahawig
    Halimbawa: Isa kang labong: tumatayog, walang dahon.
  • 2. Pagwawangis (metaphor)
    • gumagamit ng isang bagay o idea upang kumatawan sa ibang idea o bagay at ipahiwatig ang kanilang pagkakahawig
    Halimbawa: Isa kang labong: tumatayog, walang dahon.
  • 3. Personipikasyon
    • pagbibigay ng mga katangian ng isang tao sa isang bagay
    Halimbawa: Ang langit ay nagluksa at tuluyang lumuha.
  • 4. Onomatopeya
    • paglikha ng salita o pangalan batay sa tunog
    Halimbawa: Humarurot ang mga motor sa kalsada sa ikatlong araw ng lockdown.
  • 5. Metonimiya
    • paggamit ng isang salita upang katawanin ang ipinahihiwatig niyon
    Halimbawa: Mabigat na krus ang pasan ng mga maralitang tagalungsod. Nagtitiis sila sa mababang pasahod. eaning.
  • 6. Sinekdoke (synechdoche)
    • paggamit ng bahagi ng isang bagay upang tukuyin o katawanin ang kabuuan nito
    Halimbawa: Kailangan niyang kumayod nang kumayod, dahil limang bibig ang kaniyang pinakakain.
  • 7. Hyperbole
    • pagmamalabis na larawan o paraan ng paglalarawan
    Halimbawa: Parang dinaanan ng bagyo ang handa kong pagkain.
  • 8. Parikala
    • pang-uuyam sa paggamit ng salitang kasalungat ng literal ang tunay na kahulugan.
    Halimbawa: Wala namang pumipigil sa iyo na magnakaw sa kaban ng bayan.
  • 9. Oxymoron
    • pariralang binubuo ng dalawang magkasalungat na salita
    Halimbawa: Mapagkandiling karahasan ang isinalubong ng mga banyagang mananakop sa ating mga kababayan.
  • 10. Apostrope
    • pagtawag o pagkausap sa isang taong wala sa tagpo o patay na
    Halimbawa: Ka Andres (Bonifacio), kung makikita mo lamang ang aming búhay ngayon.
  • Ayon sa dalubwikang si Dr. Aurora Batnag,
    "ginagamit ang mga idyomatikong pahayag sa pang- araw-araw na komunikasyon, pasalita man o pasulat mula sa mga tsikahan hanggang sa diyaryo, radyo, telebisyon, akademikong talakayan, siyentipikong paglalahad, maging sa mga nobela, kuwento, tula, at iba pang anyong pampanitikan" (1996). Pinapalitan ng idyoma ang mga pahayag upang hindi agad maihayag ang mensahe.