Tekstong impormatibo- Kilala rin sa tawag na ekspositori
Tekstong impormatibo- Naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon sa mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari.
Tekstong Impormatibo- Sumasagot sa mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano
Mga Biyograpiya, mga impormasyon sa diksyunaryo, ensiklopedya,. almanac, papel-pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat, at mga balita sa diyaryo and ilan sa mga tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo.
Mga Kasanayang Pangwikang Napauunlad ng Pagbabasa ng Impormatibong Teksto:
Pagbabasa
Pagtatala
Pagtukoy ng mahahalagang detalye
Pakikipagtalakayan
Pagsusuri
Pagpapakahulugan ng impormasyon.
Ayon sa pananaliksik nila Jeanne Chall, Vicki Jacobs, at Luke Baldwin(1990)
“The Reading Crisis: Why Poor Children Fall Behind”
Nagreresulta sa pagbaba ng komprehensiyon o kakayahayang umunawa ang kakulangan sa pagtuturo ng mga tekstong impormatibo sa mga mag-aaral.
Ipinakikita nitong mahalaga ang pagbasa ng tekstong impormatibo sa maagang edad pa lamang ng isang mag-aaral.
Mga Paraan Upang Mas Mapabilis ang Paghahanap ng Impormasyon:
Talaan ng nilalaman
Indeks
Glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo
Mga larawan at ilustrasyon, kapsyon, o iba pang uri ng palatandaan para sa mga larawan, graph, at talahanayan
Tekstong impormatibo- Gumagamit ng iba’t-ibang pantulong ang mga manunulat upang mas madaling maunawaan ito.
Tekstong impormatibo- Ang katumpakan ng nilalaman at mga datos ay mahalaga.
Tekstong impormatibo- Nararapat na napapanahon ito at makatutulong sa pag-unawa tungkol sa isang mahalagang isyo o usaping panlipunan.
Tekstong impormatibo- Mahalagang sumangguni sa mga babasahin at iba pang pagmumulan ng datos na mapagkakatiwalaan
SANHI AT BUNGA- Naipaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ang resulta nito (bunga).
PAGHAHAMBING- Kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto, o pangyayari.
PAGBIBIGAY-DEPINISYON- Pagbibigay ng kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay o kaya naman ay mas abstraktong mga bagay.
DENOTATIBO - LITERAL NA KAHULUGAN o DIKSYUNARYONG KAHULUGAN NG ISANG SALITA.
HALIMBAWA:
ILAW - Nagbibigay liwanag
KONOTATIBO - KAHULUGANG MAAARING MAG-IBA BASE SA KUNG SINO ANG GUMAMIT.
HALIMBAWA:
ILAW - Ina ng tahanan
PAGLILISTA NG KLASIPIKASYON-Paghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo.
PAGLILISTA NG KLASIPIKASYON- Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay bibigyang-depenisyon at halimbawa ang iba't ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito. Kung sa naunang halimbawang teksto ay naipaliwanag ang depinisyon ng imperyalismo, ipakikita naman sa susunod na teksto ang iba't ibang klasipikasyon nito batay sa teritoryo.
ayon kay yuko Iwai (2007)- sa artikulong "Developing ESL/EFL Learners' Reading Crisis: Why Poor Children Fall Behind," mahalagang hasain ng isang mahusay na mambabasa ang tatlong kakayahan upang unawain ang mga tekstong impormatibo.
pagpapagana ng imbak na kaalaman- may kinalaman sa pag-alala ng mga salita at konseptong dati nang alam na ginamit sa teksto upang ipaunawa ang mga bagong impormasyon sa mambabasa.
pagbuo ng hinuha- may kinalaman sa pagbasa ng mga bahagi ng teksto na hindi gaanong malinaw sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba pang bahagi na malinaw.
pagkakaroon ng mayamang karanasan- Mahalaga rin ang pagkakaroon ng mayamang karanasan sa pagbasa ng iba't ibang teksto at pagdanas sa mga ito. Sa ganitong pagkakataon, mas nagiging konkreto ang pagbabasa para sa mag-aaral dahil alam nila kung ano ang tinutukoy sa teksto.
Nagbigay rin ng iba't ibang estratehiya si Iwai (2007) kung paanong mahahasa ang mga kakayahang nabanggit. Tinukoy niya na mahalaga ang pagsasanay sa pagkilala ng iba't ibang panandang diskurso o salitang pangtransisyon.
pagpapatalas ng pag-unawa:
Ang pagtukoy sa paraan ng organisasyon ng mga impormasyon sa teksto.
Mahalaga ang kasanayan sa pagbabalangkas upang makita ang pagkakaayos ng mga ideya at kung paano binalangkas ang kabuuan ng teksto.
Ang pagpapayaman ng bokabularyo.
Kung iuugnay ng mambabasa ang mga dati nang alam na salita sa mga salitang hindi pa gaanong nauunawaan sa teksto, mas magiging madali at mabisa ang pag-unawa sa buong kahulugan.