Layunin - ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa.
2. Gamit - Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bágong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.
3. Metodo -Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa.
4. Etika - Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik.
May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research Method (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa
anumang larangan. Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyo:
Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Idea sa Pananaliksik.
Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok.
Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok.
Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik.
Balangkas Teoretikal – ay mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang o disiplina na subók na at may balidasyon ng mga pantas.
Balangkas Konseptuwal – ay mga konsepto o idea na tutugon sa baryabol ng pananaliksik na maaaring binuo ng mga mananaliksik.
Datos Empirikal – ang mga datos mula sa resulta ng metodong ginamit sa pangangalap ng datos.
TATLONG URI NG DATOS EMPIRIKAL:
Tekstuwal.
Tabular.
Grapikal.
Line Graph - Maaaring gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o numero sa haba ng panahon.
Pie Graph - Isang bílog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng bílang ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong pag-aaral.
Bar Graph - Maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na
magkahiwalay at ipinaghahambing.
Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa
Internet at Social Media
Telebisyon
Diyaryo at Magasin.
Mga Pangyayari sa iyong paligid.
Sa sarili.
ETIKA - Ito ay ang pagsunod sa istandard na pinaniniwalaan ng lipunan na wasto at naaayon
sa pamantayan ng nakararami.
Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang tahasang paggamit o pangongopya ng nga salita at idea nang walang kaukulang pagbanggito pagkilala
sa pinagmulan nito.
MetodooPamamaraan - Ito ang ikalawang kabanata o tsapter sa mga sulating pananliksik.
Disenyo ng Pag-aaral - ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng
mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan.
Mga uri ng pananaliksik:
Pananaliksik na Eksperimental
Korelasyonal na Pananaliksik
Pananaliksik na Hambing-Sanhi
Sarbey na Pananaliksik
Etnograpikong Pananaliksik
Historikal na Pananaliksik
Kilos-saliksik (Action Research)
Deskriptibong Pananaliksik
Uri ng Pananaliksik Batay sa Klase ng Pagsisiwalat ng Datos:
Kuwantiteytib
Kuwaliteytib
Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos - Sa bahaging ito, inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta
ng datos na kinakailangan o ginagamit upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral.
Ang talatatanungan ay ginagamit ng mga mananaliksik kung saan ay isinusulat ang mga tanong na pinasasagutan sa mga respondente.
Open-endednatalatanungan - Ang mga respondent ay malaya sa pagsagot.
Close-ended na talatanungan - Uri ng talatanungan ng may pagpipilian.
Ang pakikipanayam - Ito ay maisasagawa kung possible ang inter-aksiyong personal.
Dalawang Uri ng pakikipanayam:
Binalangkas na pakikipanayam o structured interview
Di-binalangkas na pakikipanayam o unstructured interview
Obserbasyon - Kinapapalooban ito ng obserbasyon ng mananaliksik sa sitwasyong pinagaaralan.
Paraan ng pangagalalap ng datos - Dito ipinapaliwanag kung paano ang pangangalap ng mga impormasyong ginamit
Ang talasanggunian o Bibliyograpiya ay bahagi ng isang pananaliksik o maging ng aklat na kakikitahan ng talaan ng mga aklat, jornal, pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon.
American Psychological Association, ang estilong APA ay kadalasang
ginagamit sa mga siyentipikong pananaliksik sa larangan ng sikolohiya, medisina, agham panlipunan, at iba pang mga teknolohikal na larangan.
Modern Language Association, karaniwang ginagamit sa mga
akademikoat iskolarling papel sa malalayang sining o liberal arts at sa disiplina ng Humanidades.
Konsepto - Bílang panimulang gawain sa pananaliksik, mahalagang paghandaan ang
pagbuo ng isang konsepto.
KonseptongPapel – Ito ay nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.
PahinangNagpapakitangPaksa - Ang pamagat ng konseptong papel ay kailangang ganap na naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito.
KahalagahanngGagawingPananaliksik (Rationale) – Ito ang bahaging
nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Mababása rito ang kahalagahan ng paksa.
Layunin – Sa bahaging ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik.
Metodololohiya – Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.
Inaasahangawtputoresulta – Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral.
Mga Sanggunian - Ilista ang mga sangguniang ginagamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon, ang mga sangguniang maaaring magamit, at nabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral.
KABANATA I (Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito)
PANIMULA O INTRODUKSIYON (RASYUNAL) - Ito ay isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa.