Mga Karunungang-bayan

Cards (10)

  • Mga Karunungang-Bayan:
    • Salawikain
    • Kasabihan
    • Kawikaan
    • Idyoma
    • Bulong
    • Bugtong
    • Palaisipan
    • Isa sa mga karunungang napag-aralan ng tao, hindi sa mga kasulatan na nailimbag kundi sa mga aklat ng karanasang nabatid mula sa bibig ng matatanda (Lope K. Santos).
    • Ito ay karaniwang nasusulat sa paraang patula na may sukat at tugma. Ang salawikain at karaniwang kapupulutan ng aral hinggil sa buhay at pakikipamuhay.
    • Ito ay gintong butil ng karunungan na nagsisilbing gabay sa pang-araw-araw na buhay.
    • Ito ay mga kaisipang parang parabulang patalinghaga at nagbibigay ng aral na nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal
    Salawikain
    • Ito ay sabi-sabing hinango sa karanasan ng buhay na nagsisilbing patnubay sa mga dapat ugaliin na tinanggap ng bayan sa pagdaraan ng panahon.
    • Ito ay mga paalala na may halong panunukso at nagtataglay ng payak na kahulugan.
    • Kakikitaan ang kasabihan ng mga kilos, gawi, at ugali ng tao at ng lipunan.
    • Ang mga ito ay bukambibig na hinango mula sa karanasan ng buhay na nagsisilbing patnubay sa mga dapat ugaliin ng tao.
    • Kinapapalooban ito ng kasabihan ng mga kaisipang nagpapahayag ng mga katotohanan na sadyang may pagkakaugnay ang buhay sa kaasalan ng tao
    Kasabihan
    • Ito ay mga paalala na may dalang mahalagang mensahe at aral na kadalasan ay hango sa bibliya. Ito rin ay kalipunan ng mga turong pangmoral at panrelihiyon. Karamihan ay tumatalakay sa mga praktikal na bagay sa buhay.
    • Ang ilan sa mga ito ay may kinalaman sa ugnayang pampamilya, pakikitungo sa kapwa, at maging sa pangangalakal. Ang iba naman ay tungkol sa kagandahang-asal, tulad ng pagpapakumbaba, pagtitiyaga, paglingap sa mahihirap, at pagiging tapat sa mga kaibigan.
    • Ito ay nagsisilbing tagapagpaalala ng mabubuting kaasalan at kaugalian
    Kawikaan
    • Pagpapahayag ito ng mga saloobin at kaisipan na hindi tuwiran at ang kahulugan ay nasa pagitan ng mga salita.
    • Ito ay isang pangkat ng salita na ang kahulugan ay iba kaysa sa literal na kahulugan ng mga indibidwal na salita.
    • Ang idyoma ay nagpapahayag ng di-tuwirang kahulugan ng bawat salita; sa halip, ang kaisipan o kahulugan ay ipinahihiwatig ng pangkat ng mga salita.
    • Nakatutulong sa mabisa, makulay at makahulugang pagpapahayag ang paggamit ng idyoma.
    • Ito’y isang ekspresyon na kung matamang susuriin ang kahulugan ng bawat salita ay waring mali at lihis sat untuning pambalarila
    Idyoma
  • Ayon kay Santiago (1994), ang idyoma ay ang pinakapuso ng lahat ng salita. Kapag inalis ang mga idyoma ng isang wika, nasisira ang komunikasyon ng mga taong gumagamit nito.
  • ▪Ayon kay David Minsberg, ang kahulugan ng idyoma ay maaaring malaman sa pamamagitan ng:

    1. pag-unawa sa kaugnayan nito sa ibang bagay.
    2. pagsuri sa kaugnayan nito sa ibang salita sa loob ng pangungusap.
    3. paggamit nito nang malimit hanggang sa ito’y maging bahagi na sariling Bokabularyo
  • Ito ay ginagamit na pangkulam o pang-engkanto. Ang halimbawa nito’y ang sinasabi na kapag may nadadaanang punso sa lalawigan na pinaniniwalaang siyang mga tinitirhan ng mga duwende o nuno. Iniiwasang maabala o magalit ang mga naninirahan doon sapagkat kapag nagalit ang mga ito, nagkakasakit ang dumaraan
    Bulong
  • Ito’y binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma. Ang pantig naman nito ay maaaring apat o hanggang labindalawa.
    Bugtong
  • katulad ng bugtong, ito rin ay nagpapatalas ng ating kaisipan
    Palaisipan