3RD

Cards (40)

  • Tulang Pandamdamin - Itinatampok ang sariling damdamin. Puwedeng kantahin
  • Kuwento ng PAKIKIPAGSAPALARAN -Tungkol sa ginagawa ng pangunahing tauhan.
  • Kuwento ng MADULANG PANGYAYARI (plot twist) - May malaking pagbabago
  • Kuwentong TALINO ▪ Mahusay na pagkakabuo ng balangkas ang pang-akit sapagkat puno ito ng sulirang dapat lutasin na hahamon sa katalinuhan ng babasa
  • Kwentong SIKOLOHIKO ▪ Ang pinakamahirap sulatin sapagkat sinisikap nitong pasukin ang kasuloksulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa
  • Kwentong APOLOGO ▪ Ang layunin ay mangaral sa kanila at hindi lumibang sa mga mambabasa.
  • Kwentong PANGKAISIPAN ▪ Ang pinakamahalaga ay ang paksa, diwa, at kaisipan ng kuwento.
  • Kwentong PANGKATAUHAN ▪ Ang nangingibabaw sa kuwento ay ang pangunahing katauhan
  • Maylapi - Binubuo ng salitang ugat na may kasamang panlapi
  • Unlapi - Panlapi na kinakabit sa unahan.
  • Gitlapi - Panlaping nasa gitna ng salita.
  • Hulapi - Panlaping kinakabit sa hulihan ng salita.
  • Kabilaan - Panlapi na ikinakabit sa unahan at hulihan ng salita.
  • Laguhan - Panlapi na ikinakabit sa unahan, gitna, at hulihan ng salita.
  • . Inuulit - Kayarian ng salita kapag ang kabuuan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit
  • Inuulit na ganap - Buong salitang ugat na inuulit.
  • Inuulit na parsyal - Isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit. ex. kakain, babalik
  • Magkahalong Ganap at Parsyal - Buong salita at isang bahagi ng pantig ang inuulit.
  • Tambalan - Ang kayarian ng salita kung ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita lamang.
  • Tambalang di ganap - Kapag ang kahulugan ng salitang pinagtambal ay nanatili.
  • Tambalang Ganap - Kapag nabubuo ng bagon kahulugan kaysa sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama.
  • PANG-ABAY ▪ Ito ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa,
  • Pamanahon - Sumasagot sa tanong na KAILAN?
  • Panlunan - Nagsasaad ng pook, lunan, o lugar na pinangyayarihan ng kilos. - Sumasagot sa tanong na SAAN? at NASAAN?
  • Pamaraan - Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos. - Sumasagaot sa tanong na PAANO?
  • Pang-agam - Nagsasaad ito ng pag-aalinlangan o kawalang katiyakan.
  • Ingklitik - Kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap.
  • Benepaktibo - Nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao.
  • Kawsatibo - Nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa. Ito’y makikilala sa parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa, dahil kay, o dahil.
  • Kondisyonal - Nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos sa isinasaaad ng pandiwa. Ito ay may mga sugnay o pariralang pinangungunahan ng kung, kapag o pag, at pagka.
  • Panang-ayon ▪ Nagsasaad ng pagsang-ayon.
  • Pananggi - Nagsasaad ng pagtanggi
  • Panggaano ▪ Nagsasaad ng sukat o timbang
  • ☆Pasalindilang Panitikan (folklore) Naglalarawan sa mga gawang naipamana o nasalin mula sa dating henerasyon papunta sa bagong henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang tradisyon.
  • Epiko - Tulang pasalaysay ukol sa kabayanihan ng isang tao na may kakaibang kapangyarihan
  • . Alamat - hubad sa katotohanan (gawa-gawa)
  • Awiting Bayan - folk songs
  • Bugtong - Isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan o pahulaan.
  • . Salawikain - maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-arawaraw na pamumuhay. Ukol sa pamumuhay ng tao.
  • Kasabihan - maigsi na nakasulat o binibigkas na pagpapahayag na lalong hindi malilimutan dahil sa kahulugan o istilo nito. Kaugalian ng tao.