Tekstong Naratibo

Cards (15)

  • Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan
  • Ang tekstong naratibo ay naglalayong magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari na maaaring maglahad ng mga pangyayari sa kapaligiran o mga personal na karanasan ng manunulat o ng isang natatanging tao
  • Ang dalawang uri nga banghay ay ang karaniwang banghay at anachrony.
  • Ang pananaw o punto de vista sa tekstong naratibo ay ang mga matang tumutunghay sa mga pangyayari na ginagamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay.

  • Ang karaniwang banghay ay mayroong istruktura o porma ng paraan ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa paraan ng pagsasalaysay. Ang banghay nito ay nakabtay sa Freytag’s Pyramid, na nagsisimula sa eksposisyon, patungong komplikasyon, kasukduklan, pababa sa kakalasan, at tungong wakas.
  • Ang anachrony ay ang pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod: Analepsis (Flashback), Prolepsis (Flash-forward), Ellipsis.
  • Banghay
    • Ito ang istruktura o porma ng paraan ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa paraan ng pagsasalaysay. 
    • Tumutukoy ito sa pagkakaayon ng mga pangyayari habang isinalaysay ito; pinag-iisipan kung paano ilalahad at pinipili kung alin ang mga itatampok na pangyayari.
    • Karaniwang nakabatay ang banghay ng mga pangyayari sa tekstong naratibo sa Freytag’s Pyramid.
  • Tagpuan at Panahon
    • Nagaganap ang isang pangyayari sa isang tiyak na oras, araw o panahon.
    • Tumutukoy rin maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari. 
  • Tauhan
    • Ang gumaganap at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay. 
    • Maaaring manggaling sa kanila ang dahilan ng pabago-bago ng mga pangyayari. 
  • May dalawang pagpapakilala ng tauhan: expository at dramatiko
  • Uri ng Tauhan:
    • Pangunahing Tauhan: ang bida (protagonist), sa kanya umiikot ang mga pangyayari sa kwento
    • Katunggaling Tauhan: kontrabida (antagonist), siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan
    • Kasamang Tauhan: karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan
    • Ang May-Akda: ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay magkasama sa kabuoan ng akda
  • Dalawang Uri ng Tauhan ayon kay E.M. Forster: Tauhang Bilog at Tauhang Lapad
  • Suliranin o Tunggalian
    • Pinakamadramang tagpo ng kuwento at inaasahang may maidudulot na mahalagang pagbabago patungo sa pagtatapos. 
  • Diyalogo
    • Ginagamit ang dayalogo upang maging makatotohanan ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mga tauhan. 
  • Paraan ng pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin, o Damdamin
    • Direkta o Tuwirang Pagpapahayag - pahayag na mismong ang nagsasalita ang nagsambit ng pahayag ito ay ginagamitan ng panipi (“ “).
    • Di-direkta o Di-tuwirang Pagpapahayag - ang tagapagsalaysay ang naglalahad ng sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan.