paglalarawan o deskripsyon sa katangian ng mga bagay, lugar, tao, pangyayari o maging ang mga ideya.
kailangan maayos at mabisa ang paglalarawan upang maging malinaw ang pagsasalaysay.
Layunin ng tekstong deskriptibo na magbigay ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa
Ang tekstong deskriptibo ay naglalaman ng mga paglalarawan sa mga bagay, lugar, tao, pangyayari, o ideya
Ang dalawang uri ng paglalarawan ay karaniwan at masining.
Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal:
1. Reperensiya o Pagpapatungkol:Anapora at Katapora
2. Elipsis
3. Substitusyon o Pamalit
4. Pang-ugnay
5. KohesyongLehikal:Reiterasyon-Repetisyon o Pag-uulit, Pag-iisa-isa, Pagbibigay-kahulugan at Kolokasyon
Mga Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal:
Ginagamit upang maiwasan ang paggamit ng isang salita nang paulit-ulit
Reperensiya o Pagpapatungkol:
Paggamit ng panghalip na tinutukoy sa una o hulihang pangalan
Anapora:
Panghalip na matatagpuan sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap o talata
Katapora:
Panghalip na matatagpuan sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan ng pangungusap o talata
Elipsis:
Pagtitipid sa pahayag dahil may mga salitang binabawas subalit naiintindihan at malinaw pa rin ito sa mambabasa dahil nakatulong ang unang pahayag upang matukoy ang nais ipahiwatig
Substitusyon o Pamalit:
Ginagamitan ng salitang pamalit sa halip na ulitin muli ang salita
Pang-Ugnay:
Pangatnig na nag-uugnay sa salita, parirala, sugnay at pangungusap
KohesyongLeksikal:
Salitang ginagamit sa teksto na maaaring paulit-ulit upang magbigay-linaw sa mahahalagang detalye
Mayroong kohesyon ang isang teksto kung magkakaugnay ang mga pangungusap sa isang talata
Reiterasyon:
Repetisyon o Pag-uulit: inuulit ang buong salita o pangngalan (noun)
Pagiisaisa: enumerasyon
Pagbibigay Kahulugan: magkaibang salita ngunit may iisang kahulugan