Filip

Cards (110)

  • Disyembre 30, 1937
    ipinoroklama ang wikang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa.
  • Ayon sa Saligang Batas ng 1935
    kung saan ang Kongreso ay gagawa ng hakbang sa pagpapaunlad at pagpapayaman ng wikang pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika.
  • Noong 1940
    ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
  • Noong Hunyo 7, 1940
    Pinagtibay ng Pambansang Asambleya ang Batas Komonwelt Blg. 570

    • kung saan ang wikang opisyal ng bansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino.
  • Noong Hunyo 4, 1946
    Sinundan ito ng pagkakaroon ng bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570
  • Noong 1959
    ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ay ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero, Kalihim ng Edukasyon, kung saan ito ay nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o Wikang batay sa Tagalog.”
  • Noong 1987
    • alinsunod sa Konstitusyon, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay tatawaging Filipino.
    • Ito ay hindi batay sa pinaghalo-halong sangkap ng katutubong wika na umiiral sa bansa bagkus ito ay nucleus ng Pilipino at Tagalog.
  • Isinasaad ng Artikulo XIV Konstitusyong 1987
    ang legal na batayan ng konsepto ng Filipino bilang wikang Pambansa at ang magkarugtong na gampanin nito bilang wika ng opisyal na komunikasyon, at bilang wikang panturo sa Pilipinas
  • Sa Artikulo XIV Konstitusyong 1987 ay nagsasaad ng ganito:

    Seksiyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Inggles, at dapat na isinalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila
  • Ayon kay Flores (2015) sa aklat ni San Juan (2019), may dalawang antas ang pagpaplanong pangwika.

    Ito ay ang antas makro sa pagpaplanong pangwika kung saan nakatuon sa mandatoring asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang antas maykro sa pagpaplanong pangwika na nauukol sa aktwal na implementasyon ng gayong patakaran sa bawat lugar
  • Ang wika ay…
    SIMBOLO
    SANDATA
    PAGKAKAKILANLAN
    KULTURA
    KALAYAAN
    SUSI NG PAGKAKAISA
    BUHAY O DAYNAMIKO
  • Ang wika ay simbolo ng
    pagkakakilanlan, kultura, kalayaan
  • Sa modyul na isinulat ni Gonzales (n.d.) may apat na facets ang sistema ng paglinang ng wika ayon kina Haugen (1972) at Ferguson (1971)

    • Ang paglinang na ito ay binubuo ng kodipikasyon,
    • Pagpili ng wika o sistema ng pagsulat na gagamitin
    • Istandardisasyon
    • Diseminasyon o pagpapalaganap at elaborasyon o pagpapayabong nito.
  • Seksyon 6
    Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral ng mga wika sa Pilipinas. Alinsunod sa tadhana ng batas sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod and paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at wika ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon.
  • Seksyon 7
    Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Inggles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong ng mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Espanol at Arabic.
  • Seksyon 9
    Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa ng binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at sa iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili
  • Itinatag ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)

    Upang magbalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas
  • Minsan ay binanggit ni Manuel L. Quezon sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang mga katagang

    “Hindi ko nais ang Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wika na nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.”
  • Sabi nga ni Dr. Pamela Constantino, propesor sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, “

    Ang wika ay may malaking papel na ginagampanan sa Pilipinas, sa kaayusan at sa pag-unlad ng lipunan.(Constantino, n.d.)
  • Sinabi naman sa artikulo ni Vitangcol III (2019) sa kanyang artikulong, “Ano ang Saysay ng Wikang Filipino,”
    • Kahit ang dating Pangulong Aquino ay nagsabi na, “imbes na mga galos at pilat ang makuha dahil sa pagtatagisang-tinig, sana ay umusbong ang pagkakaunawaan at pusong makabayan.
    • May tungkulin ang bawat isa na palaganapin ang isang kulturang may malalim na pagkakaintindihan sa isa’t isa gamit ang isang wikang pinagbubuklod at pinagtitibay ng buong bansa.
    • “Wika ang dapat pagbubuuin tayo, hindi tayo dapat paghihiwalayin.”
  • Ang modelo ng paglinang ng wika ayon kina Haugen (1972) at Ferguzon (1971) ay tinalakay ni Gonzales sa kanyang Modyul
  • Ayon kina Haugen (1972) at Ferguzon (1971).

    isang paraan ng pagpapayabong ng wika ay ang elaborasyon o pagpapayabong nito na tinatawag ding intelektwalisasyon. Ang wika ay uunlad kung ito ay ginagamit bilang kasangkapan ng kultura at mas lalo pang napalalawak kung ginagamit ito sa pagpapahayag ng mga pagbabago o pag-unlad ng kabihasnan, partikular sa mga paksang may kinalaman sa agham at teknolohiya, sa mga makabagong pangangailangan at gawain sa pagsulong ng isang bansa tungo sa industriyalismo nito.
  • Ayon naman kay Constantino (2015) sa aklat ni San Juan et al. (2019)

    Ang kahalagahan ng intelektwalisasyon ay ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino kundi ng kaisipang Filipino. Ang wika ay mabilis na uunlad kung ito ay ginagamit hindi lang sa tahanan, sa lansangan o sa pang-araw araw na buhay kundi bilang isang larangan sa edukasyon at pananaliksik.
  • Ayon sa artikulong nakalathala sa Manila Bulletin ni Myca Cielo M. Fernandez (2018)

    Binigyang-diin ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining, na mas magiging epektibo ang saliksik kung ito ay nasa wikang Filipino. Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino, Wika ng Pananaliksik.” Ang pagdiriwang na ito ay nakatuon sa paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng pananaliksik. Mas magiging epektibo ito kung ang bawat unibersidad ay hihikayatin na gawin sa wikang Filipino ang mga pananaliksik lalo na ang tesis at disertasyon
  • Sa pagtuturo sa larangan ng humanidades at agham panlipunan, batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal
    Dapat gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito.
  • Nabanggit nina San Juan et al., (2019), (mula kay Ferguson, 2006)

    na ang katanyagang taglay ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad ay may kakambal na sosyo-ekonomiko
  • Ang De La Salle, Ateneo, Unibersidad ng Sto. Tomas, UP at iba pa

    ay ilan lamang sa malalaking pamantasan at unibersidad na patuloy na gumagamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga kurso sa pilosopiya, agham pampolitika, lohika, ekonomiks, batas, kasaysayan at pantikan.
  • Masigla rin ang publikasyong sa mga scholarly journal tulad ng
    Malay, Daluyan, Lagda, Hasaan, Kritika at iba pang bago at umuusbong na journal sa kasalukuyan
  • Higit na nauna ang larangan ng Humanidades kaysa sa Agham Panlipunan subalit madalas na nagkakasalimbayan ang dalawang larangang sapagkat maraming paksa at isyu na kapwa tinatalakay ng mga ito, tao at lipunan. Marami sa mga teoretiko at pilosopikong pundasyon ng agham panlipunan ay nagmumula sa humanidades.
  • Bawat larangan ay may tiyak na set ng mga teminong ginagamit na tinatawag na REGISTER
    • Isang kahulugan lamang dahil ekslusibo itong ginagamit sa isang tiyak na disiplina.
    • Dalawa o mahigit pang kahulugan dahil ginagamit sa dalawa o mahigit pang disiplina.
    • Isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng pagkakaroon ng ugnayan ng mga disiplinang ito.
  • Ang pangunahaing layunin ng Humanidades ay

    “hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao”
  • Humanidades
    Ang kaisipan, kalagayan at kultura ng tao ang binibigyang-tuon sa pag-aaral ng larangang ito
  • Ang layuning ito ay sinugsugan ni J. Irwin Miller, na nagsabi na

    “ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito”
  • Na dinagdagan ni Newton Lee sa pagsasabi na

    “sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang Humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa kalahatan, at di lamang para magkaroon ng karera sa hinaharap”.
  • LARANGAN NG HUMANIDADES
    ay binubuo ng
    • Panitikan
    • Pilosopiya
    • Singing
    • Applied; graphics,
    • Industriya
    • Malayang Sining
  • Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa panahon ng mga Griyego at Romano kung saan inihahanda ang tao na maging doktor, abogado at sa mga kursong praktikal, propesyonal at siyentipiko.
  • Ang analitikal na lapit
    ay ginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa.
  • Ang kritikal na lapit
    ang ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon,argumento, ebalwasyon at sa pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya
  • Ang ispekulatibong lapit
    ay kadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat.