Fil top 2

Cards (45)

  • Ito ay may kontekstong sosyal kung saan ay may presensiya (kaharap ng nagsasalita ang kanyang tagapakinig) o interaktibo (hal., sa telepono).
    Pasalita
  • Maaaring magpabalik-balik ang nagsasalita sa kanyang sinasabi.
    Pasalita
  • Natututunan na tila walang hirap kapag natural ang proseso.

    Pasalita
  • Kadalasan ito ay ginagawa ng manunulat kung siya ay nag-iisa. Kinakailangan pa niyang isipin ang kanyang magiging maaaring mambabasa.
    Pasulat
  • May tiyak na istrukturang kinakailangang sundin ng manunulat.
    Pasulat
  • Kadalasan itong natututunan sa paaralan ng mga mag-aaral.
    Pasulat
  • tinatawag ding panimulang pagbasa
    Batayang antas
  • Ito ay nakatutok sa aktuwal na pagkilala
    sa mga letra at salita.
    Batayang antas
  • panahon ang pinakamahalaga rito dahil nakatakda sa limitadong oras ang pagbasa

    Inspeksiyunal na antas
  • Superpisyal lang ang kaalaman na kinukuha ng mambabasa sa teksto gaya ng
    kung tungkol saan ang akda, anu-ano ang mga bahagi nito, anong uri ito ng
    babasahin, at iba pa.
    Inspeksiyunal na antas
  • Sa pagbasa, hindi pinapansin ang mga di-nauunawaang salita dahil nga madalian lamang. Ang interpretasyon ay inilaan sa pangalawang
    pagbasa ng teksto.
    Inspeksiyunal na antas
  • mapanuri ang pagbasang ito sapagkat inuunawang mabuti ang kahuluguan ng teksto
    Analitikal na antas
  • Binibigyang pansin nito ang mga tago o di-lantad o ang mas malalim na kahulugan, nasasagot ang tanong na “bakit”, natutukoy ang katotohanan (fact)
    sa opinyon, napaghahambing ang ideya ng manunulat sa sariling ideya.
    Analitikal na antas
  • dito ay marami nang librong nabasa ang mambabasa upang makapaghambing,
    makapag-iba-iba, makapagsuri, makapuna, at makapagpahalaga sa akda na
    binasa
    Sintopikal na antas
  • nakikilala ang teksto at nahuhulaan (prediksyon) ang maaaring magaganap; napagsasama rin ang mga natutunan (integrasyon) at nagagamit ito
    batay sa sitwasyon (aplikasyon).

    Sintopikal na antas
  • Mga kaantasan ng pagbasa:
    1. batayang antas
    2. inspeksiyunal na antas
    3. analitikal na antas
    4. sintopikal na antas
  • Mga teknik sa pagbasa:
    1. Iskiming
    2. iskaning
    3. kaswal
    4. komprehensibo
    5. kritikal
    6. pamuling basa
    7. basang tala
    8. suring basa
  • madalian ang paraan ng pagbasa rito upang magkaroon ng impresyon sa akda kung
    dapat ba itong basahin o hindi
    Iskiming
  • hangad lamang nito na makakuha ng ideya sa
    nilalaman ng teksto.
    Iskiming
  • Mga uri ng iskiming
    1. Prebyuwing
    2. sarbeying
    3. oberbyuwing
  • dito ay nag-iisip ang mambabasa bago magbasa ng mga isyu tungkol sa paksang sasaliksikin; tinitingnan niya ang pabalat, pamagat
    at mga subtitles ng akda at tinutukoy kung dapat o di-dapat niya itong basahin.
    Prebyuwing
  • tinitingnan ang iba’t ibang bahagi ng aklat para
    matukoy kung may kaugnayan ito sa paksang sasaliksikin
    Sarbeying
  • dito binubuod ang kaisipang natunghayan sa
    ginawang pagsarbey sa akda.
    Oberbyuwing
  • tulad ng iskiming, mabilisan din ang pagbasa upang agad makuha ang sagot sa isang tanong, matagpuan ang susing salita (keyword) o hinahanap na bilang, o makita ang partikular na impormasyon
    Iskaning
  • madaling itong magagawa kung malalaki
    ang letra ng pagkakalimbag; mahalaga ito kung nagrerebyu dahil iyung may mga marka o salungguhit na lamang na salita ang kailangang basahing muli.
    Iskaning
  • ito ang pangkaraniwan, laganap at di madibdibang pagbasa. Magaan at maaaring pampalipas-oras ang pagbasa.

    Kaswal
  • sa pagbasa ay iniisa-isa ang bawat detalye, sinusuri, pinupuna, kinukwestiyon at tinataya nang mabuti ang bawat ideya sa akda
    Komprehensibo
  • nakakapagod, matrabaho, at mapanghamon ng kakayahan at panahon
    Komprehensibo
  • ito ay isang malikhaing pagbasa dahil tumutuklas ito ng panibagong konseptong maiuugnay sa kapaligirang sosyal at kultural
    Kritikal
  • tinitingnan dito kung tunay at wasto ng ideya bago isabuhay.
    Kritikal
  • dito ay binabasang muli ang akda dahil may mga
    impormasyong di agad nakukuha sa isahang basa lamang
    Pamuling basa
  • isang pagbasa na sinasabayan ng pagsulat o
    pagmamarka para madaling balikan at tandaan ang importanteng bagay.
    Basang tala
  • Uri ng basang tala:
    1. Istruktural
    2. konseptuwal
    3. dayalektikal
  • ito ang pagtatala sa pamagat, lugar na kinatatagpuan ng impormasyon, ayos o organisasyon ng akda at hindi sa nilalaman nito.
    Istruktural
  • ito ang pagtatala sa margins ng pahina ng mga kaliwanagan (insights) na nakuha sa akda o ng mga tanong na nasagot na o di-nasagot mula
    sa binasa.
    Konseptuwal
  • ito ang pagtatala ng bilang ng mga pahina na may kaugnay na impormasyon mula sa ibang libro.
    Dayalektikal
  • ito ay naglalaman ng pagsusuri at pamumuna ng isang akda para pahalagahan ang kabuuang porma at nilalaman nito
    Suring basa
  • Hindi lamang ito simpleng pagbubuod,
    kundi isang pagtataya sa mga katangian (kahinaan at kagalingan) ng teksto
    Suring basa
  • Dito ay maingat at masinsinang binubusisi ang buong akda (cover to cover), binabasa
    at binabasang muling.
    Suring basa
  • dito ay kinakailangang manghula o magbigay ng
    prediksiyon ang mambabasa.
    Paghihinuha