Ayon kay June Keir, sa kanyang aklat na Informative Texts: Recognizing and creating procedures, explanations, recounts, and procedures (2009), ang tekstong impormatibo ay may mga sumusunod na uri:
1.Tekstong prosidyural
2. Tekstong nagpapaliwanag
3. Tekstong gumugunita
4. Mga ulat
5. Tekstong naglalarawan
anumang uri ng sulatin na mababasa ninuman. Mahalaga ang mga teksto sa isang mananaliksik dahil ang mga ito ang nagiging batayan niya ng mga datos ng kanyang isusulat.
teksto
Ang anumang tekstong mababasa ay may layunin. May mga teksto na ang layon ay magbigay-impormasyon, maglalarawan, magsalaysay ng isang pangyayari, magturo ng proseso, manghikayat, o kahit pa magbigay-aliw.
Tekstong Impormatibo
Naglalahad ito ng mga bagong punto o kaalaman tungkol sa isang paksa. Puno ito ng mga bagong punto o kaalaman tungkol sa isang paksa.
• Ito ay isang tekstong di-piksiyon, bunga ng maingat na pananaliksik at hindi nakabatay sa sariling pananaw lamang o sa kathang-isip.
• May tumpak, wasto, makatotohanan, at napapanahong nilalaman o impormasyon batay sa mga tunay na datos at ipinahayag sa paraang malinaw.
Tekstong nagpapaliwanag - may dalawang anyo ng pagpapaliwanag sa pagkakaganap ng isang bagay yaong nagpapaliwanag kung (a)"bakit" at (b)"paano" naganap ang isang bagay.
Tekstong prosidyural - nagbibigay ito ng mga punto o hakbang kung paano isakatuparan ang isang gawain o kompletuhin ang isang proseso. Naglalaman ang tekstong prosidyural ng mga salitang kilos, salitang nagsasaad ng pagkakasunud-sunod, pang-abay na pamanahon, utos at salitang teknikal.
Halimbawa: pagkuha ng pasaporte, pagluto ng adobo
Tekstong gumugunita - inilalahad ito kung paanonaganap ang isang pangyayari sa impormatibo o nakaaaliw na paraan.
Mga ulat - naglalahad ang ulat ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay sa paraang obhetibo. Ang pinakamahalagang detalye nito gaya ng "ano", "sino", "saan", "kailan", at "bakit" ay nasa unang mga talata habang nasa hulihan naman ang mga detalyeng di- gaanong mahalaga.
Tekstong naglalarawan - nakatuon ang tekstong ito sa mga katangian ng isang bagay, gaya ng detalye ng pisikal na anyo, amoy, tunog, lasa, hatid na damdamin, at iba pa.
Panimula - naglalaman ito ng paksang pangungusap na tumutukoy sa tema o bagay na tatalakayin sa teskto.
Katawan - dito inilalahad ang mga impormasyong nagbibigay ng tiyak na detalye tungkol sa paksa.
Konklusyon - nilalagom sa bahaging ito ang mahahalagang punto na nabanggit sa teksto.
Talasanggunian- iniisa-isa rito ang mga sangguniangpinagbatayan ng teksto.
MGA BAHAGI NG TESKTONG IMPORMATIBO:
1.Panimula
2. Katawan
3. Konklusyon
4. Talasanggunian
TEKSTONGDESKRIPTIBO- nagbibigay ng mga katangian ng isang tao, bagay, lugar, karanasan, o pangyayari upang makabuo ng isang "imahen" sa isip ng mga mambabasa. Gumagamit ito ng malinaw na mga salitang naglalarawan upang "makita" o "maranasan" ng mambabasa ang mga detalyeng nais isalin ng teksto.
DALAWANG PANGUNAHING URI NG TEKSTONG DESKRIPTIBO:
obhetibong paglalarawan - ang tekstong ito ay tuwiran lamang naglalahad ng mga katangian ng isang tao, bagay, lugar, karanasan, o pangyayari.
subhetibongpaglalarawan - ang tekstong nasa ganitong anyo ay naglalayong magparamdam ng emosyon sa mga mababasa.
ANG TEKSTONG PERSUWEYSIB - isang teksto na humihimok sa mambabasa na tanggapin ang kaisipang hinain ng mgay-akda.
• nararapat na maging maganda ang nilalaman nito upang makuha ang interes ng mga mambabasa, manonood at tagapakinig.
• isa sa mahahalagang uri ng tekstong ginagamit sa radyo at telebisyon.
AYON KAY ARISTOTLE, MAY TATLONG (3) PARAANPARAMANGHIKAYAT:
Ethos
Pathos
Logos
Ethos - naiimpluwensiyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga tagapakinig. Sa ganitong paraan, kailangang nagtataglay ng sapatnakasanayan sa pamamahayag ang isang manunulat o tagapagsalita.
Pathos - pag-apila sa damdamin ng mga tagapakinig. Ito marahil pinakamahalagang paraan ang upang makahikayat. Madaling naaakit ang isang tao kapag naantig ang kanyang damdamin kaugnay ng paksang tinalakay.
Logos - paraan ng panghihikayat na umaapila sa isip. Ang paglalahad ng sapat na katibayan kaugnay ng paksa ay labis na nakakaapekto sa panghihikayat.
ANG TEKSTONG NARATIBO AY MAAARING PİKSİYON AT DI-PİKSİYON:
• Piksiyon - bunga ng malikhain at mayamang pag-iisip ng may-akda.
Halimbawa: epiko, alamat, nobela
TESKTONGNARATIBO
• ang tawag sa isang teksto kung ito ay nasa anyong nagsasalaysay. Ang tekstong ito ay tila nagkukuwento patungkol sa tiyak at pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
• nagpapakita at nagbibigay ng mga impromasyon tungkol sa isang tiyak na tagpo, panahon, sitwasyon, at mga tauhan.
Di-piksiyon - nakabatay sa personal na karanasan ng manunulat o maaaring isang kuwento ng isang tao.Halimbawa: anekdota, talambuhay
MGA BAHAGI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO:
• Panimula - kailangang maging mapanghikayat sa paraang mahusay na mailahad ang pangkalahatang paksang tatalakayin at ang proposisyon.
• Ang proposisyon ay isang pahayag na naglalaman ng isang opinyon na maaaring pagtalunan.
• Katawan - lahat ng argumento ukol sa inihaing proposisyon ay kailangang organisadong maihanay sa katawan ng tekstong argumentatibo.
• Konklusyon - sa bahaging ito, inilalatag ng sumulat ang kabuuan niyang pananaw ukol sa kanyang proposiyon.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO - paglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang mahalaga o maselang isyu.
• layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin ang mga argumentong inilalahad sa pamamagitan ng mga pangangatwiran.
• ang ganitong uri ng teksto ay kadalasang sumasagot sa tanong na "bakit"
TEKSTONG PROSIDYURAL - ito ay may layunin na sumasagot sa tanong na "paano" - paano binuo, paano iluto, paano buuin, paano gawin, paano nangyari, at iba pang mga gawain at pangyayaring lagi nating ikinakabit ang tanong na "paano".
Mayroong mga kaayusan sa paglalahad ng mga pagkakasunod-sunod ng gawain at maging ng mga pangyayari. Ang mga ito ay: sekwensyal, kronolohikal at prosidyural.
Sekwensyal - tumutukoy sa serye o pagkakasunod-sunod ng mga bagay o gawaing magkakaugnay sa isa't isa.
• karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang una, pangalawa, pangatlo, pang-apat, panlima, at iba pang kagaya.
Prosidyural - ang kaayusang prosidyural bilang uri ng teksto.
• naghahatid ng pangmatagalang (lasting) kaalaman ukol sa mga bagay na kailangang isagawa o ganapin.
Kronolohikal - tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pahayag.
• ang paksa ng tekstong ito ay mga tao o bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol na tumutukoy sa edad, distansiya, halaga, lokasyon, bilang, dami at iba pa.