Rebolusyon - mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan
Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment) - Nakasentro sa paggamit ng reason o katwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan
Paraang maka-agham na nakaapekto sa iba’t - ibang aspekto ng buhay ng tao
Baron de Montesquieu:
Pilosopo
Tahasang tumuligsa sa absolutongmonarkiyang nararanasan sa France ng panahong iyon
"The Spirit of the Laws" (1748)
Tinalakay niya ang iba’t - ibang pamahalaang namayani sa Europe
"Balance of Power" - paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay
Lehislatura - gumagawa ng batas
Ehuketibo - nagpapatupad ng batas
Hudikatura - nagpapaliwanag ng batas
Jean Jacques Rosseau:
Mula sa mahirap na pamilya
Mahusay magsulat ng sanaysay na tumatalakay sa individual freedom
Naniniwala na ang pag-unlad ng lipunan ang siyang nagnakaw sa kabutihan ng tao
"Evils of Society" mauugat sa hindi pantay-pantay na distribusyon ng yaman at labis na kagustuhan sa pagkamal nito
"The Social Contract" magkakaroon lamang ng maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa pangkalahatang kagustuhan sa pamahalaan (general will) - isinusuko ng tao ang kaniyang will o kagustuhan sa pamahalaan
Naging saligang batas ng rebolusyon sa France
Denis Diderot:
Nagpalaganap ng ideyang Philosophe sa pamamagitan ng 28-volume na Encyclopedia
Binatikos ang kaisipang Divine Right at ang tradisyonal na relihiyon
Pinigil ng pamahalaan at Simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at binantaan ang mga katolikong bibili at babasa nito
Sa kabila ng pagpigil, 20,000 kopya ang naimprenta sa taong 1751 - 1789 at naisalin sa ibang wika, naipalaganap ang ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng Europe kundi maging sa America at kalaunan ay Asya at Africa
Kaisipang Pang Ekonomiya - Laissez Faire:
Binigyang diin ang malayang daloy ng ekonomiya na hindi nararapat na pakialaman ng pamahalaan
Taliwas sa merkantilismo na ginto at pilak ang batayan ng yaman
Physiocrats - naniniwala sa ideyang lupa ang tanging pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagyaman
Adam Smith:
Ekonomistang British na nagpanukala na ang market o pamilihan ay maaring dumaloy nang maayos nang hindi pinapakialaman ng pamahalaan
Naniniwala na kailangan ang produksyon upang kumita ang tao
Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay magbigay ng proteksyon sa mamamayan, panatilihin ang kaayusan ng lipunan at pamahalaan at ang mga pangangailangang pampubliko tulad ng pagpapatayo ng mga ospital at pagpapagawa ng mga tu
Ang Treaty of Aix-la-Chapelle:
Isang kasunduan ng kapayapaan na nilagdaan noong Oktubre 18, 1748, sa lungsod ng Aix-la-Chapelle (ngayon Aachen, Germany)
Nagtapos sa Digmaang Austrian Succession
Pinagtibay ang Pragmatic Sanction, isang kasunduan na naggarantiya ng hindi pagkakahati ng Habsburg monarchy
Maximilien Robespierre:
Isang French lawyer at politician na kilalang personalidad sa French Revolution
Miyembro ng Committee of Public Safety, na namahala sa France sa panahon ng Reign of Terror
François-Marie Arouet, o mas kilala bilang Voltaire:
Isang French Enlightenment writer, historian, at philosopher
Kilala sa kanyang katalinuhan, kritisismo sa Christianity, at pagsusulong ng kalayaan sa pananalita, kalayaan sa relihiyon, at paghihiwalay ng simbahan at estado
Salon:
Lugar ng talakayan ng mga pilosopo, manunulat, artist, at iba pang katulad
Physiocrats:
Naniniwala sa produksyon upang kumita ang tao
Lassez Faire vs. Merkantilismo:
Laissez Faire: Paniniwala sa minimal na interbensyon ng pamahalaan sa ekonomiya
Merkantilismo: Paniniwala sa pagpapalakas ng yaman ng bansa sa pamamagitan ng pag-aangkin ng mga yaman at pagpapalakas ng kalakalan
Kaisipang liberal sa Europe:
Lumaganap sa kabuuan ng Europe, nagdala ng mga prinsipyo ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran
Rebolusyong Amerikano:
Sanhi: Labis na pagbubuwis ng Parliamentong Ingles, kawalan ng kinatawan sa Parliamento para sa mga hinaing
Naging dahilan ng pagbuo ng United States of America
Lumaganap ang kaisipan ng pagtatanong ukol sa Absolutong Monarkiya at dominasyon ng Simbahan sa pamumuno
Ang Labintatlong Kolonya:
Nabuo dahil sa Repormasyon at Enlightenment sa Europe
Bawat isa may sariling lokal na pamahalaan
Noong 1750, nagastos ng British ng malaki para mapanatili ang kolonya sa ilalim ng kanilang imperyo
Ang Batalya ng Waterloo:
Nangyari noong 18 Hunyo 1815
Nagtunggali ang armadong Pranses ni Napoleon Bonaparte sa koalisyon ng mga armadong Europeo sa ilalim ng duc de Wellington at marshal Blücher
Naganap malapit sa Waterloo, sa Belgium
Napanalo ng mga pwersa ng mga kaalyado
Sa 1750, ang Britanya ay nagastos ng malaki upang mapanatili ang kanilang 13 kolonya sa ilalim ng kanilang imperyo
Noong 1765, ipinasa ang Stamp Act na nagdagdag ng buwis para sa pamahalaan ng Britanya
Sa Abril 1775, nagpadala ang Great Britain ng tropa ng sundalo sa Boston upang kunin nang puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord