KOMPAN

Cards (32)

  • Bago Magbasa
    Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin.
  • Bago Magbasa
    Ang pagsusuri ng panlabas na katangianng teksto ay mahalaga upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinatakdang layunin ng pagbasa.
  • Bago Magbasa
    Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat.
  • Bago Magbasa
    Sa bahaging ito iniuugnay sa inisyal na pagsisisyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang basahin. Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat.
  • Bago Magbasa
    Ito ang pagsisimula ng kognitibong proseso.
  • Habang Nagbabasa
    Sa bahaging ito, lumalawak ang bokabularyo ng mambabasa
  • Habang Nagbabasa
    Dito gumagalaw ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon dahil pinoproseso nito ng sabay-sabay ang mga detalyeng nadedecode ng isip.
  • Pagtantiya sa bilis ng pagbasa:

    Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa.
  • Biswalisasyon ng binabasa
    Ito ay kasanayang bumubuo ng imahen sa isp gamit ang mga impormasyong mababasa, madalas na ginagawa ito lalo na ang paakdang pasalaysay ng binabasa.
  • Pagbuo ng Koneksyon
    Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang komprehensiyon.
  • Pagbuo ng Koneksyon
    Naipapakita rito ang koneksyon ng prior knowledge at ang kasalukuyang iniinterpret ng isip habang nagbabasa.
  • Pagbuo ng Koneksyon
    Nadaragdagan, o nagbago ang mga ito depende sa koneksyon ng bawat isa.
  • Paghihinuha
    Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at kongklusyon sa kalalabasan ng teksto. Natututo tayong makapagisip ng mga posibling pahiwatig at konklusiyon sa ating binabasa.
  • komprehensiyon
    Pagtukoy aysak sa mga posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga hakbang upang masolusyonan ito. Halimbawa, kung may isang salitang mahalaga at susi upang maunawaan ang buong teksto, maaaring sumangguni sa diksyunaryo ang mambabasa. Nakapapaloob ditto ang paggamit ng mga reference kung may mga hindi nauunawaan na bahagi ng tekstio katulag ng dictionaryo at iba pa.
  • Muling pagbasa
    Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan ng teksto kung kinakailangan kapag hindi ito naunawaan.
  • Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto
    Paggamit ng iba't ibang estratehiya upang alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa iba pang impormasyon sa teksto.
  • Mababaw ang komprehensiyon kung hindi mananatili sa isip ng natutuhan nila. Sinisimulan n ng isang aktibong marababasa ang paglilipat ng sa matagalang memorya sa pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng biswal na imahen.
  • Elaborasyon
    ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong natutuhan mula sa teksto.
  • Organisasyon
    ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng ibat ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto habang ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa.
  • Pagkatapos Magbasa
    Upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto kahit natapos na ang proseso ng pagbasa, mahalagang isagawa ng isang mambabasa ang sumusunod: Pagtatasa ng komprehensiyon, Pagbubuod, Pagbuo ng sintesis, Ebalwasyon
  • Pagtatasa ng komprehensiyon
    Sagutin ang iba't ibang tanong tungkol sa binasa upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa.
  • Pagbubuod
    Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang pangunahing ideya at detalye sa binasa.
  • Pagbuo ng sintesis
    Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-unawa.
  • Ebalwasyon
    Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa sa teksto. Sa bahaging ito, tinutukoy niya rin kung ano ang halaga at ugnayan ng teksto sa layunin ng pagbasa.
  • Katotohanan
    ay mga pahayag na maaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirical na karanasan pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
  • Opinyon
    mga pahayag na pagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao.
  • Layunin
    Ang layunin ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto.
  • Pananaw
    Ang pananaw naman ay ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto.
  • Damdamin
    Ang damdamin naman ay ang ipahiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto.Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at Rebyu
  • Paraphrase
    ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa.
  • Abstrak
    naman ay isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan. Halimbawa: Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) Bilang Praktika ng Inklusibong Edukasyon: Simulain at mga Hamon Crizel P. Sicat-De Laza
  • Rebyu
    naman ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito. Naglalaman din ang rebyu ng pagtataya oebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw ng mambabasa nanagbibigay ng rebyu.