Jorge Vargas at Jose P. Laurel at tinagubilinan silang pangalagaan ang kapakanan ng bayan.
Jorge Vargas - pangulo ng Komisyong Tagapagpaganap (Philippine Executive Commission) noong Enero 23, 1942
Ang pamahalaan ay tinawag na Central Administrative Organization (CAO)
Katarungan - Jose P. Laurel
Panloob - Benigno S. Aquino Sr.
Agrikultura at Komersiyo - Rafael Alunan Sr.
Gawaing Bayan at Komunikasyon - Quintin Paredes
Pananalapi - Antonio delas Alas
Edukasyon, Kalusugan, at Kapakanang-Bayan - Claro M. Recto
tatlo hanggang limang tinatawag nilang ekspertong Hapones na tumatayong mga "tagapayo"
Isang palamuting ginamit ng Hapon upang makuha ang loob ng mga Pilipino. Dahil dito, tinawag na puppet government ang ating pamahalaan.
pinangakuan ng mga Hapones na bibigyan ng kalayaan ang Pilipinas kung ito ay makikiisa sa patakaran nilang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) - nagpatakbo sa mga pangyayaring politikal sa bansa.
Ang KALIBAPI ay lumikha ng isang Komisyong tinawag na Preparatory Commission for Philippine Independence (PCPI) o Panimulang Komisyon Para sa Kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 1943
Si Jose P. Laurel ang napiling pangulo at sina Ramon Avanceña at Benigno Aquino Sr. ang mga napiling pangalagaan pangulo.
Setyembre 4, 1943 ay natapos ang Saligang Batas na nasulat sa wikang Pilipino at Ingles.
Tatlong sangay ng kapangyarihan ang pamahalaan : sangay na tagapagpaganap, tagapaghukom, at tagapagbatas.
ang Saligang Batas ng 1943 ay nagtatadhana ng isang kamara ng lehislaturang ang mga kinatawan ay pinili noong Setyembre20, 1943
Setyembre 25, 1943 - hinirang ng Asamblea si Jose P. Laurel na Pangulo ng Republika at si Benigno S. Aquino Sr. bilang Ispiker.
Jose P. Laurel - Pangulo ng Republika
Benigno S. Aquino Sr. - Ispiker
Oktubre 14, 1943 - pinasinayaan ang Ikalawang Republika.
Maituturing na isang "Republikang Puppet" lamang ang itinatag na pamahalaan ng mga Hapones sa bansa. Naging sunod-sunuran lamang si Laurel sa mga utos ng mga Hapones.
Tinawag na mga kolaboreytor ang mga pinunong Pilipino na sumuporta sa mga gawaing pampolitika ng mga Hapones.
Makapili naman ang tinawag sa mga Pilipinong nagkanulo sa kanilang kapwa Pilipinong tiyak na makukulong o mapapatay sa oras na sila ay maiturong lumalaban sa mga Hapones.
Dahil sa digmaan ay nagkaroon ng war economy o ekonomiyang pandigmaan na nagbunsod sa pagkakaroon ng kakulangan sa mga pangunahing produkto lalo na yaong mga inaangkat pa sa ibang bansa.
Maraming lupaing dating tinatamnan ng mga pangunahing kailangang produkto ng mga Pilipino ay inilaan na lamng bilang tanimanngbulak at ramie
Higit pang lumala ang problemang ito nang ang bilang ng mga Hapones sa Pilipinas ay mabilis na lumaki.
Mahigit animnapung libong katao ang dami ng puwersang sumalakay noong Disyembre, 1941.
Pagpapairal ng mga Hapones ng mga salaping tinawag ng mga Pilipino na Mickey Mouse money sapagkat wala itong halaga.
1942 hanggang 1945, tinatayang umaabot sa labing-anim na bilyong piso ang naimprentang Mickey Mouse money ng mga Hapones sa bansa.
Dahil sa sobrang hirap ng buhay, nagkaroon ng economy of survival sa bansa kung saan gumawa ng paraan ang mga Pilipino para lamng mabuhay.
Maraming Pilipino ang naging abala sa buy and sell.
Ang PRIMCO ay nagrarasyon sa mga mangagawang pangunahing pangangailangan sa mas mababang halaga.
Binuo ang NADISCO (National Distribution Corporation) na siyang nangasiwa at kumontrol sa maayos at makatarungang pagbabahagi ng mga pangunahing bilhin.
Itinayo ang mga Bigasang Bayan o BIBA (National Rice Granary) upang higit na maging maayos ang distribusyon at pagbebenta ng pagkaing butil gaya ng bigas.
Gerilya - nagpasiyang mamundok at patuloy na nakibaka
Hilagang Luzon - Walter Cushing at Korenel Guillermo Nakar.