PAGPAG

Cards (51)

  • TEKSTONG IMPORMATIBO
    • isang uri ng babasahing di-piksyon
  • TEKSTONG IMPORMATIBO
    • naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa
  • TEKSTONG IMPORMATIBO
    • hindi nakabatay sa opinyon
  • TEKSTONG IMPORMATIBO
    • layuning magbigay ng mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay
  • MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO
    • layunin ng may akda
    • pangunahing ideya
    • pantulong na kaisipan
    • mga istilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
  • LAYUNIN NG MAY-AKDA
    • elemento ng tekstong impormatibo na tumutukoy sa mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba't ibang uri ng insekto o hayop at iba pang nabubuhay
  • PANGUNAHING IDEYA
    • Elemento ng tekstong impormatibo na tumutukoy sa dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo ang pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na organizational markers
  • PANTULONG NA KAISIPAN
    • elemento ng tekstong impormatibo na tumutukoy sa mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye. Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwasa sa kanila
  • MGA ISTILO SA PAGSULAT KAGAMITAN/SANGGUNING MAGTATAMPOK SA MGA BAGAY NA BINIBIGYANG DIIN
    • paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon
    • pagbibigay diin sa mahalagang salita sa teksto
    • pagsulat ng mga talasanggunian
  • paggamit ng mga nakalrawang interpretasyon
    • paggamit ng larawan, guhit, dayagram,tsart,timeline at iba pa upang higit na malalim ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo
  • PAGBIBIGAY-DIIN SA MAHALAGANG SALITA SA TEKSTO
    • paggamit ng mga estilong tulad ng [agsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit o paglalagay ng "panipi" upang higit na madaling makita ang mga salitang binibigyang diin sa babasahin
  • PAGSULAT NG MGA TALASANGGUNIAN
    • inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging batayan ng mga impormasyong taglay nito
  • URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
    1. paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan
    2. pag-uulat pang-impormasyon
    3. pagpapaliwanag
  • PAGPAPALIWANAG
    • ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari
  • PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI/KASAYSAYAN
    • naglalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon
  • PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON
    • ito ay naglalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay gayundin sa mga pangyayari sa paligid
  • TEKSTONG DESKRIPTIBO
    • isang pagpapahayag ng mga impresyon at kakintalang likha ng pandama
  • TEKSTONG DESKRIPTIBO
    • Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao,lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.
    • Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ngmatingkad at detalyadong imahen na makapupukaw saisip at damdamin ng mga mambabasa
  • TEKSTONG DESKRIPTIBO
    • Ito ay maihahalintulad sa isang larawan ipininta oiginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal napinagmulan ng larawan.
  • MGA ELEMENTO (DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN)
    1. Karaniwang Paglalarawan
    2. Masining na Paglalarawan
  • Karaniwang Paglalarawan
    • tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay.
    • Paglalahad na mga pisikal na katangian ng inilalarawan sa pamamagitan ng OBSERBASYON.
  • Masining na Paglalarawan
    • Ito ang malikhaing paggamit ng wika upang makabuong kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan.
  • Masining na Paglalarawan
    • Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa atipadama ang isang bagay, karanasan o pangyayari.
  • Masining na Paglalarawan
    • Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sapaglalarawan, kabilang na ang paggamit ng mgapang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma.
  • PAGGAMIT NG TAYUTAY UPANG MAGING MALIKHAIN SAPAGGAMIT NG WIKA SA MASINING NA PAGLALARAWAN.
    1. Simile o Pagtutulad
    2. Metapora o Pagwawangis
    3. Personipikasyon o Pagsasatao
    4. Hayperboli o Pagmamalabis
    5. Onomatopeya o Paghihimig
  • Simile o Pagtutulad – paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao at pangyayari sapamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, animo’y at katulad
  • Metapora o Pagwawangis – tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailanganggamitan ng mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad.
  • Personipikasyon o Pagsasatao – tumutukoy sa paglalapat ng mgakatangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay.
  • Hayperboli o Pagmamalabis – eksaherado o sobra sa mahinahong katotohananat hindi dapat kunin ang literal na pagpapakahulugan.
  • Onomatopeya o Paghihimig – paggamit ng salitang may pagkakatulad satunog ng bagay na inilalarawan
  • URI NG PAGLALARAWAN
    • Obhektibo
    • Subhektibo
  • SUBHEKTIBO
    • ang manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sakatotohanan.
  • OBHEKTIBO
    • may pinagbabatayang katotohanan.
  • TEKSTONG PERSUWEYSIB
    • Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa o tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilahad.
  • TEKSTONG PERSUWEYSIB
    MGA LAYUNIN
    1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
    2. Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasaupang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayonsa ideyang inilalahad
    3. Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuhang damdamin o simpatiya ng mambabasa
  • TEKSTONG PERSUWEYSIB
    MGA KATANGIAN
    1. May subhetibong tono
    2. Personal na opinyon at paniniwala ng may-akda
    3. Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sapatalastas, propaganda para sa eleksiyon, atpagrerekrut para sa isang samahan o networking
  • ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE
    • ETHOS
    • LOGOS
    • PATHOS
  • ETHOS
    • salitang Griyego na nauugnay sa salitang ETIKA ngunit higit itong angkop ngayon sa salitang “Imahe”
    • Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/Tagapagsalita
  • • Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter okredibilidad ng tagapag salita batay sa paningin ng nakikinig.
  • ETHOS
    • Kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ng tagapakinig angtagapagsalita, o mambabasa ang