Ito ay isang uri ng akdang patula, na kadalasan, ang layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam.
Ang akda sa pagbabasa ay nagpapahayag ng pagsusuri at pagkakaibigan.
Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong Tula.
Karaniwang pumapaksa sa pag-ibig, pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan o maaaring ginawa upang maging panukso sa kapuwa.
Ang Tugmang De Gulong ay mga paalala o babalang kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan.
Sa pamamagitan nito ay malayang naipaparating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero.
Maaaring ito ay nasa anyong salawikain, kasabihan o maikling tula. Karamihan ng mga uri ng tugmang ito ay tinipon ni Dr. Paquito Badayos.
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
Ang salawikain ay isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng matatanda noon upang mangaral, magpayo, at ituwid ang mga kabataan sa tamang landas at kabutihang asal.
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan.
Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar.
Ito ay paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno.
Karaniwan itong may sukat at tugma.
Mga salita o pagpapahayag na karaniwang ginagamit sa araw-araw.
Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan.
Ang kasabihan ay Naghahatid ng kaalaman tungkol sa mabuting kaasalan.
Karaniwan itong may sukat at tugma. Hanguan ng impormasyon hinggil sa matatandang kaugalian, paniniwala, asal at gawi.
Ang ganitong uri ng panitikan ay laganap pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon sapagkat ito’y talaga namang nakapagpapatalas sa isipan.
ang bugtungan isang katutubong laro ng isip na karaniwan dito sa Pilipinas.
Binibigkas ito nang patula at kalimitang maiksi lamang.
Noon, karaniwan itong nilalaro sa lamay upang magbigay-aliw sa mga namatayan ngunit nang lumaon ay kinagiliwan na ring laruin kapag may mga handaan o pista.
Ang palaisipan ay ang paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno.
Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inaapo.
Dalawang salitang ipinagtambal upang makabuo ng panibagong kahulugan.
Gabay sa pamumuhay, patnubay sa pakikipagkapwa sa buhay sa pakikilaban sa karahasan ng buhay.
Ito ay hindi na lamang pinag-uusapan at pinag-iisipan sa mga pagtitipon kundi maging sa usapan sa Internet.