SOSLIT

Cards (39)

  • sosyedad -  tumutukoy sa mga
    taong sama-samang naninirahan sa isang
    organisadong komunidad na may iisang batas,
    tradisyon at pagpapahalaga.
  • tao o mamamayan - ang
    pinakamahalagang elemento ng lipunan
    na naninirahan sa isang tiyak na teritoryo
    o lupang sakop ng lipunan.
  • teritoryo - lawak ng nasasakupan ng
    lipunan at tinitirhan ng mga tao.
  • pamahalaan - ahensiya na
    nagpapatupad ng mga batas at mga
    kautusan at nagpapahayag sa kalooban ng
    lipunan.
  • soberanya -  pinakamataas na
    kapangyarihan ng lipunan para mapatupad
    o mag-utos ng kagustuhan nito sa mga
    mamamayan sa pamamagitan ng mga
    batas.
  • institusyon -  isang organisadong Sistema ng ugnayan
    sa isang lipunan.
  • social group - tumutukoy sa dalawa o higit pang
    taong may magkatulad na katangian na nagkakaroon
    ng ugnayan sa bawat isa at binubuo ng isang
    ugnayang panlipunan.
  • status - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng
    isang indibidwal sa lipunan.
  • ascribed status - nakatalaga sa isang indibidwal
    simula nang siya ay isilang.
  • achieved status - nakatalaga sa isang indibidwal sa
    bias ng kanyang pagsusumikap.
     
  • gampanin -  tumutukoy ang mga
    gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon at
    mga inaasahan ng lipunang kanyang
    gingalawan.
  • kultura - ay isang kumplikadong Sistema ng
    ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng
    pamumuhay ng isang grupong panlipunan o
    isang lipunan sa kabuuan.
  • materyal - binubuo ng mga gusali, likhang-sining,
    kagamitan at iba pang bagay na nakikita at
    nahahawakan na likha ng tao.
  • hindi materyal - kabilang dito ang mga batas, gawi,
    ideya, paniniwala at norms ng isang grupo ng mga
    tao.
  • paniniwala -  tumutukoy ito sa mga
    kahulugan at paliwanag tungkol sa
    pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
  • pagpapahalaga - maituturing itong
    batayan ng isang grupo kung ano ang
    katanggap-tanggap at kung ano ang hindi.
  • norms - tumutukoy ito sa mga asal, kilos o
    gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa
    isang lipunan.
  • folkways - ang pangkalahatang batayan ng kilos
    ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa
    kabuuan.
  • mores - tumutukoy sa mas mahigpit na
    batayan ng pagkilos.
  • simbolo -  ang paglalapat ng kahulugan
    sa isang bagay ng mga taong gumagamit
    nito.
  • prosa - Ito ay uri ng panitikan na naglalaman ng mga pangungusap at mga talata
  • patula - Ito ay uri ng panitikan na may masining na pagpapahayag.
  • maikling kwento - Isang maikling akda na naglalaman ng kakaunting tauhan
  • nobela - Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang pagbabasa nito ay inaabot ng ilang basahan para matapos ang buong istorya.
  • dula - Ito ay akdang itinatanghal sa tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto naman ay nahahati sa ilang tagpo.
  • alamat - Ito ay kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay.
  • pabula - Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop ang gumaganap bilang tauhan
  • anekdota - Ito ay isang maikling akda na naglalaman ng nakawiwiling pangyayari sa buhay ng tao
  • balita - Ito ay tala ng mga kaganapan na nagaganap sa lipunan at kapaligiran.
  • talambuhay - Ito ay isang sulatin na tumalakay sa buhay ng isang tao.
  • sanaysay - Ito ay isang maikling sulatin na nagpapahayag ng opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa.
  • mito - Ito ay kwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mahiwagang linikha.
  • parabula - Ito ay isang maikling kwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa bibliya.
  • talumpati - Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid  sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
     
  • tulang pasalaysay - Nagpapahayag ng mahahalagang pangyayari sa buahy ng tao. Ito ay maaaring makatotohanan o kathang isip lamang.
  • epiko - ay isang istorya tungkol sa kabayanihan. Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at mga diyos
  • awit - binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang. bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.
  • korido - isang anyo ng panitikan na nasa anyong patula. Ito ay may sukat na walong pantig bawat taludtod at may apat na taludtod sa isang taludturan.
  • tulang liriko - Ito ay uri ng tula na ginagawa upang awitin