Pokus- ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng pangungusap.
Kosatibong Pokus (Pokus sa Sanhi)- ang pandiwa ay nakapokus sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Sinasagot nito ang tanong na “bakit?”
Pokus sa Direksyon- pinatutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutongo ng kilos.
Sumasagot ito sa tanong na “tungo saan o kanino?
Tagaganap o Aktor – ang paksa o ang simuno ang gumagawa ng aksiyon. Sinasagot nito ang tanong na “sino?”
Layon o Gol- ang paksa ng pangungusap ang pinagtutuunan ng aksiyon. Sumasagot ito sa tanong na “ano?”
Tayutay – Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Pagsasatao/Pagbibigay-Katauhan (Personification) – nagbibigay ng katangian, gawi, kilos, o gawain ng mga tao sa mga bagay na walang buhay. E.g Nahiya ang mga bulaklak sa pagdaan ni Mariang maganda,.
Pagmamalabis (Hyperbole) – lagpas-lagpasang nagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan o damdamin at iba. E.g Namuti ang kanyang buhok kahihintay sayo.
Pagtutulad (Simile) – naghahambing sa dalawang magkaibang bagay sa di-tahasang paraan. E.g Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.
Pagwawangis/ Metapora (metaphor) – naghahambing sa dalawang magkaibang bagay sa tahasang paraan. Hindi na gumagamit ng mga salitang pantulad. E.g Siya’y langit na di kayang abutin nino man.
Pagtawag (Apostrophe) – ito ay tila pakikipag-usap sa karaniwang bagay na malayo o wala naman. Na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman. E.g O tukso! Layuan mo ako!
Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)– Pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan o isang bagay, konseptong kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. E.g Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
Pag-uyam (Irony)- Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam o kabaligtaran naman ang kahulugan. E.g Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog buong maghapon.
BAHAGI NG SANAYSAY:
PANIMULA- Sa bahaging ito inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay. GITNA O KATAWAN- Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan. WAKAS- Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katuwirang iniisa-isa sa bahaging gitna.
Sanaysay - Nagmula sa dalawang salita, sanay at pagsasalaysay. Isa itong piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may-akda.