[11] P&P - Tekstong Naratibo

Cards (22)

  • Tekstong Naratibo - pasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan; makapagsalaysay ng pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya; nakapagtuturo ng kabutihang asal o mahalagang aral
  • Katangian ng Tekstong Naratibo
    1. May iba't ibang pananaw o point of view
    2. May paraan ng pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin o Damdamin
    3. May mga elemento
  • Unang Panauhan - isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng “Ako”
  • Ikalawang Panauhan - mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kwento kaya’t gumagamit siya ng panghalip na “ka at ikaw”
  • Ikatlong Panauhan - isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya ay “Siya”
  • Tuwirang Pagpapahayag - ang tauhan ay tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang dayalogo, saloobin, o damdamin, gumagamit ng panipi
  • Di-Tuwirang Pagpapahayag - ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip o nararamdaman ng tauhan; hindi ginagamitan ng panipi
  • Tauhan - gumaganap sa isang kwento
  • Pangunahing Tauhan - umiikot ang pangyayari sa kwento mula simula hanggang katapusan
  • Katunggaling Tauhan - kumakalaban o sumasalungat sa pangunahing tauhan
  • Kasamang Tauhan - kasama o kasanggan ng pangunahing tauhan
  • Ang may Akda - laging nakasubaybay ang kamalayan ng awtor
  • Elemento ng Tekstong Naratibo
    1. Tauhan
    2. Tagpuan
    3. Banghay
    4. Paksa
  • Tauhang Bilog - katangian na katulad din ng isang totoong tao; nagbabago ang katauhan sa loob ng akda
  • Tauhang Lapad - tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang sa katapusan
  • Tagpuan - tumutukoy sa lugar at panahon ng isinasalaysay
  • Banghay - panimula, pataas na aksiyon, kasukdulan, pababang aksiyon, wakas
  • Anachrony - pasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod
  • Analepsis - flashback
  • Prolepsis - flash-forward
  • Elipsis - may puwang
  • Paksa - ideya kung saan umiikot ang pangyayari