Pangabay - tawag sa salita o mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Pang-uri - nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip.
Pang-abay: Mahusay umawit ang mga ahas noon.
Pang-uri: Tuso at gahaman ang mga ahas.
Pamaraan — Sumasagot sa tanong na PAANO naganap, nagaganap o magaganap ang pandiwa sa pangungusap.
Panlunan - Sumasagot sa tanong na SAAN naganap, nagaganap o magaganap ang pandiwa sa pangungusap.
Pamanahon - Sumasagot sa tanong na KAILAN naganap, nagaganap o magaganap ang pandiwa sa pangungusap.
Ingklitik - tawag sa mga katagang karaniwang kasunod ng unang salita sa pangungusap tulad ng man, Kasi, sana, nga, yata, ba, pa, pala, tuloy, naman, na, muna, nang at iba pa.
Panggaano - ang tawag sa mga pang-abay na nagsasabi ng Dami, halaga, timbang, o sukat na ginawa, ginagawa, or gagawin ng pandiwa sa pangungusap.
Pananggi - ang tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng pagaalungat o di pagsang-ayon tulad ng hindi, ayaw, wala, huwag.
Panang-ayon - ang tawag sa mga pang-abay na nagsasabi ng pakikiisa sa opinion gaya ng oo, opo, tunay, talaga, walang Duda, totoo, sigurado.
Pang-agam - ang tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng pag-aalinlangan o kawalang-katiyakan gaya ng tila, marahil, siguro, baka.
Kondisyonal - pang-abay na nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Mga sugnay na pinangungunahan ng kung, kapag o pag, at pagka.
Kusatibo - pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagkakagawa ng kilos sa pandiwa. Mga sugnay na pinangungunahan ng dahil o dahil sa, upang, sapagkat.
Benepaktibo - nagsasaad ng benepisyo para sa tao dahil sa pagkakaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng kilos ng pandiwa. Binubuo ito ng pariralang pinangungunahan ng para sa.