Fil

Cards (27)

  • filosofo = philosopher
  • ito ay may katumbas na salitang "kalinangan" na may salitang ugat na linang (cultivate) at linangin (to develop/to cultivate).
    kultura
  • Kaya ang kalinangan o kultura ay siyang lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali, at gawain ng tao (Timbreza, 2008).
  • Ama ng Antropolohiya, ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito ang kaalaman, paniniwala, sining, moral/valyu, kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang lipunan.
    EDWARD BURNETT TYLOR
  • Hindi lamang sining at musika ang kultura ayon sa paniniwala ng iba ngunit ito ay naglalaman ng mga valyu at alituntunin sa lugar na tinitirhan ng ating mga ideya na mabubuti o masasama, ng ating wika, relihiyon, at iba pa.
    EDWARD BURNETT TYLOR
  • Nagsabing ang kultura ay isang organisasyong penomena na sumasaklaw sa aksyon (paraan ng pag-uugali) bagay (kagamitan) at iba pang mga kasangkapan, ideya (paniniwala at kaalaman), at sentiment (karakter/ kilos at valyu). 

    LESLIE A. WHITE
  • Ang kultura ay lahat ng natututuhang beheybyur at resulta kung papaano pinahahalagahan ng tao ang mga natutuhan niya na tinatawag na cognitions - ang pagkaalan sa lahat ng bagay na nagbibigay-patnubay sa tao sa pagkilala niya sa kapaligiran at sa ibang tao.
    ANTROPOLOHISTA
  • Ang kultura ay ginagamit para sa maayos na paraan ng may kapangyarihan at mga makapangyarihang tao, dahil ang mga taong may kaalaman sa kasaysayan, literatura, at sa sining ang siya lartang may kultura ayon sa unang paniniwala. Ang paniniwalang ito ay binatikos ng ilang mga antropolohista 

    Donna M. Gellnick, et al. (2009)
  • Ang kultura ay socially achieved knowledge. Nakukuha ang kultura sa mga kasamahan na nasa paligid kamang.

    Hudson (1980)
  • Ang kultura ay patterns of behavior (way of life) and patterns for behavior (designed for that life). May kulturang ginagawa o sinusunod dahil iyon ang kinasanayan o kinagisnan ng isang grupo o pangkat.

    Ward Goodenough (2006)
  • Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain, mga natutunang huwaran ng pag-uugali at mga paraan ng pamumuhay sa isang takdang panahon ng isang lahi o miga tao.

    Timbreza (2008)
  • Isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang kultura at maging bahagi siya ng kulturang iyon.
    ENCULTURATION
  • Ang pangkalahatang proseso sa pagkilala sa mga sosyal at istandard na Kultura.
    SOCIALIZATION
  • Ang ibinahgi ng kultura ay nagbubuklod sa mga tao bilang isang pagkakilanlan ng kanilang pangkat.
    BINAHAGI (Shared)
  • Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon sa isang tao sa isang likas o teknolohikal na resorses. 

    NAADAP (Adapted)
  • Ang kultura ay dinamikong sistema kaya patuloy na nagbabago. Tulad ng wika, may mga kulturang mabilis ang pagbabago at mayroon din namang hindi nagbabago o mabagal ang pagbabago.

    DINAMIKO (Dynamic)
  • Tumutukoy ito sa kung ano ang karapat-dapat at nakabubuting ugaliin.
    VALYU
  • Ito ay mga materyal na objek na nagawa at ginagamit ng tao.
    MATERYAL NA KULTURA
  • Binubuo ito ng mga norms, valyu, paniniwala at wika.
    DI-MATERYAL NA KULTURA
  • Tumutukoy sa pag-uugaling karaniwan at pamantayan.
    NORMS
  • Ito ay kaugaliang nakikita sa isang sitwasyon na tinitingnan ang magandang kapakanan ng isang pangkat
    FOLKWAYS (Customs)
  • Tumutukoy sa pamantayan ng kaasalang lubhang iginagalang at pinahahalagahan ng isang grupo.
    MORES
  • Pormal at karaniwang ginagawa at isinasabatas ng federal state o lokal na awtoridad.
    BATAS
  • Inaasahang mabubuting pag-uugali o dapat gawin/kilos o ipakita.
    VALYU
  • Pamahiin ng isang tao sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran at mundo.
    PANINIWALA
  • Ito ay nagbibigay-daan sa mga tao na magkaunawaan at makipag-ugnayan sa isa't isa.
    WIKA
  • Pakikiangkop ito ng lipunan sa mga pagbabagong dala ng teknolohiya
    TECHNICWAYS