Pera - Ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakalangan upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
Kita - Halagang tinatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyo.
Ipon - Paraan ng pagpapaliban ng paggastos.
Investment - Ipon na ginamit upang kumita.
Economic Investment - Paglalagak ng pera sa negosyo.
Implasyon - Pagtaas ng pangkalahatang antas ng mga presyo.
Financial Intermediaries (Bangko or Financial Assets) - Lugar kung saan inilalagay ang ipon at tagapamagitan sa nag-iipon at nangungutang.
Pag-iimpok ay ang pagtabi ng salaping galing sa kita na hindi ginamit.
Ang pamumuhunan ay paghiram ng salapi sa bangko para sa negosyo.
Parehas ng anyo ang pag-utang at pamumuhunan sapagkat parehas itong humihiram sa salapi ng bangko.
Kahalagahan ng pag-iimpok sa mga tao:
Magagamit sa panahon ng krisis.
Napaghahandaan ang mga gastusingpanghinaharap.
Kahalagahan ng pag-iimpok sa ekonomiya:
Kung may krisis ang bansa at mataas ang savingsreserve ng mga tao, mas mabilis makakabawi ang ekonomiya.
Kahalagahan ng pamumuhunan:
Magkakaroon ng hanapbuhay.
Nakakapagdagdag sa buwis.
Magkakaroon ng long-term source of income.
Mas madaling makahanap ng puhunan.
Kung maraming negosyante na namumuhunan sa bansa, ibig sabihin nito ay maayos ang patakarang pang-ekonomiya.
Habits of a wise saver:
Kilalanin ang iyong bangko
Alamin ang produkto ng bangko
Alamin ang serbisyo at bayarin ng bangko
Ingatan ang bankrecords at siguraduhing uptodate
Makipagtransaksyon lamang sa loob ng bangko at awtorisadongkawani nito
Alamin ang PDIC Deposit Insurance
Maging maingat
Ayon sa aklat na THE ECONOMICS nina Parkin at Bade (2010), ang implasyon ay ang pataas na paggalaw ng presyo at ang deplasyon ay pagbaba ng halaga ng presyo.
Ayon sa THE ECONOMICS GLOSSARY, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng piling produkto sa basket of goods (Market Basket).
Ang implasyon ay isang ECONOMIC INDICATOR upang matukoy ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa.
Ang hyperinflation ay patuloy na pagtaas ng presyo bawat oras, araw, at linggo. Naganap ito sa Germany noong 1920, Hungary noong 1946, at Zimbabwe noong 2007-2009.
Noong 1930s sa Europe, nagkaroon ng hyperinflation at tinaguriang GREAT DEPRESSION.
Recession - Pagbagal ng pagdaloy ng ekonomiya.
Depression - Pagbagksak ng ekonomiya.
Kinakailangan ang pamahalaan, produsyer, at konsyumer upang masugpo ang implasyon.
Pag-unawa ng implasyon:
Pagtaas ng presyo
Kahirapan sa mamamayan na bumili ng pangangailangan
Paghina ng ekonomiya
Pagsukat sa pagtaas ng presyo:
Total Weighted Price
Consumer Price Index
Inflation Rate
Purchasing Power of Peso
Price Index - Mekanismo upang masukat ang laki ng pagbabago sa presyo.
Mga uri ng price index:
GNP Implicit Price Index
Wholesale/Producer Price Index
Consumer Price Index
Consumer Price Index - Sumusukat sa pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyong ginagamit ng konsyumer.
Ang batayan ng CPI ay presyo at dami ng produktong kinokonsumo ng bawat pamilya sa isang buwan.
Nangyayari ang demand-pull inflation kung mas mataas ang dami ng demand sa lahat ng sektor (Aggregate Demand) kaysa sa kabuuang dami ng produksyon ng ekonomiya (Aggregate Supply).
Ang paglobo ng demand ay maghihila sa pagtaas ng presyo.
Ayon kay Milton Friedman, ang pagkakaroon ng labis na dami ng salapi sa sirkulasyon o money supply ang dahilan kung bakit tumataas ang demand.
Demand Pull = Mataas na demand + Kakapusan + Pagtaas ng presyo ng bilihin
Cost-push ang pagtaas ng gastusin sa paglikha ng produkto ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Iba pang dahilan ng implasyon:
Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar.
Pagdepende sa importasyon para sa hilaw na mga sangkap.