“Kung gagawa tayo ng sarbey at tatanungin ang mga batang naghahanda na sa pagpasok, malamang na ang una nilang sasabihin kung bakit gusto nilang pumasok ay upang matutong bumasa.” - Badayos, 1999
Pagbasa
Ito ang pangunahing batayan kung ang isang tao ay “maypinag-aralan.”
Ang pagbasa ay nangangailangan ng mahusay na pagkilala, pagkuha at pang-unawa ng mga ideya at/o kaisipan mula sa mga simbolong nakalimbag
Dahil sa pagbabasa, Nadaragdagan ang mga inimbak na kaalaman(stock knowledge)
Dahil sa pagbabasa, nakararating sa mga lugar na hindi pa o hindi na mararating
Dahil sa pagbabasa, nawawala ang pagkabagot ng buhay
Dahil sa pagbabasa, Nalulutas ang mga problemang kailangan ng tiyak at dokumentadong kasagutan
Dahil sa pagbabasa, nagiging daan para mahubog ang pagkatao ng indibidwal (ikaw ay ang iyong binabasa)
3 modelo ng Pagdulog sa Pag-Unawa ng mga Teksto
Bottom-Up na Modelo
Top-Down na Modelo
Interaktibong Modelo
Ibaba-Pataas o Bottom-Up na Modelo
Ang pagbabasa ay itinuturing na isang gawaing pasibo (passive).
Binibigyan ng empasis sa modelong ito ang mga pagdulog na phonetic at linggwistik na pagkilala sa salita.
Umaasa lamang ang mambabasa sa wikang gamit ng teksto paramaunawaan ang nilalaman nito.
Ang direksyon ng pagbabasa ay mula sa teksto papuntangmambabasa
Ibaba-Pataas o Bottom-Up na Modelo
Sinasabi ni Gough (1972) na ang teoryang kasangkot sa modelong bottom-up ay dumidiin sa prosesong nakapokus sa kung paano hinahalaw ng mambabasa ang mga impormasyon mula sa nakaimprintang pahina
Inuunang alamin at kilalanin ng mambabasa ang mga letra at salita sa paraang kompleto at sistematiko upang makuha ang impormasyong nakapaloob sa teksto
Ibaba-Pataas o Bottom-Up na Modelo
Itaas-Pababa o Top-Down na Modelo
Itaas-Pababa o Top-Down na Modelo
Ang gawaing pagbabasa ay dinamiko
Inaasahang alam na ng mambabasa ang mga elementong linggwistik sa teksto
Kailangang may nabuo nang iskima o naunang kaalaman tungkol sa paksang nakapaloob sa teksto ang mambabasa upang lubusan niya itong malaman o maintindihan.
Ang lahat ng kahulugan ay hindi matatagpuan sa teksto
Itaas-Pababa o Top-Down na Modelo
Ginagamit ng mambabasa ang kanyang naunang kaalaman upangmakagawa ng mga prediksyon sa nilalaman ng teksto sa proseso ngkanyang pagbabasa.
Ang nagbibigay ng kahulugan sa binabasang teksto ay ang mambabasa mula sa kanyang naunang mga karanasan at kaalaman na iniuugnay niya sa nilalaman ng tekstong binasa.
InteraktibongModelo
Interaktibong Modelo
Modelong gumagamit ng kombinasyon ng mga modelong ibaba-pataas o bottom-up at ng modelong itaas-pababa o top-down
Ang pagbasa ay nakabatay sa nilalaman ng teksto papuntang mambabasa at sa parehong pagkakataon ay mula sa mambabasa papuntang teksto