M4: Tekstong Impormatibo at Prosidyural

Cards (40)

  • Tekstong Impormatibo: Isang uri ng tekstong ang layunin ay magsabi tungkol sa isang bagay o magbigay ng impormasyon tungkol sa bagay na ito
  • Tekstong Impormatibo: Tandaan na hindi kasama rito ang opinyon o paniniwala ng sumulat
  • Tekstong Impormatibo: Isinulat ito sa paraang dapat makita agad ng mambabasa ang mahahalagang impormasyong nais niyang malaman at maunawaan ang pangunahing paksa
  • Tekstong Impormatibo: dapat din itong maging kawili-wili dahil nagtataglay ito ng mga impormasyong mahalaga sa lipunan at kultura ng lipunang ito
  • Tekstong Impormatibo: Kalakip sa mga tekstong impormatibo ang mga paliwanag at paglalarawan ng mga penomenang natural, pag-uulat ng mga pangyayari, pagbibigay ng instruksyon at direksyon, mga tuntunin at batas at maiikling balita
  • Kabilang sa mga tekstong impormatibo ang balita, classified ads, direksyon o pagbibigay ng direksyon, plano katulad ng floor plan o kinalalagyan ng mga kwarto o opisina sa isang gusali, resipe ng inilulutong pagkain, menu sa restoran o kainan, biograpiya oautobiography ng kilalang tao, report, brosyur, website ng isang ahensya o organisasyon, grap, tsart, at artikulo sa pahayagan o magasin
  • Dapat ding tandaan na ang mga nabanggit na teksto ay hindi lamang nagbibigay ng impormasyon. Marami sa mga tekstong nabanggit ay maaaring taglay din ang katangian ng iba pang uri ng teksto katulad ng prosidyural, naratibo, deskriptibo at iba pa
  • Tekstong Prosidyural: nagsasabi kung paano gawin ang isangbagay o bumuo at gamitin ang bagay na ito
  • Tekstong Prosidyural: iniisa-isa ang mga hakbang na dapat isagawa
  • Tekstong Prosidyural: tumutulong upang gumawa ng isang bagay,gamitin ang isang bagay, o magawa ang isang bagay.
  • Tekstong Prosidyural: kadalasan ay may mgalarawan o dayagram na kasama
  • Tekstong Prosidyural: lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mgaimpormasyon
  • Tekstong Prosidyural: pinakakaraniwang halimbawa ay angresipe ng isang nilulutong pagkain
  • Tekstong Prosidyural: dapat ay kumpleto ang lahat ngimpormasyong kailangan
  • Tekstong Prosidyural: dapat magtaglay ng pamagat, introduksyon, listahan ng gamit, materyales o sangkap na kailangan, at mga hakbang ng pagsasagawa ng prosidyur
  • Tekstong Prosidyural: minsan ay may maikling talata para sapagtatasa ng resulta ng ginawa
  • Tekstong Prosidyural: mayroon ding elementong biswal
  • Mga Bahagi ng Tekstong Prosidyural
    • Pamagat o Titulo
    • Introduksyon
    • Listahan ng mga gamit, materyales o sangkap
    • Mga hakbang na gagawin
    • Pagtatasa
    • Mga elementong biswal
  • Mga Bahagi ng Tekstong Prosidyural
    Pamagat o Titulo – nagpapakita kung ano ang tekstong prosidyural na inilalahad
  • Mga Bahagi ng Tekstong Prosidyural
    Introduksyon – maikling talatang nagpapaliwanag ng layunin ng prosidyur. Hindi lahat ay nagtataglay nito ngunit marami ay may ganitong bahagi
  • Mga Bahagi ng Tekstong Prosidyural
    Listahan ng mga gamit, materyales o sangkap – makikita ang mga kakailanganing gamit, materyales, o sangkap na gagamitin sa prosidyur upang maisagawa o matamo ang gustong resulta. Ang nakalistang gagamitin ay ayon sa pagkakasunod-sunod din ng paggamit nito sa prosidyur
  • Mga Bahagi ng Tekstong Prosidyural
    Mga hakbang na gagawin – lahat ng hakbang na dapat isagawa ay nakalista ayon sa tamang pagkakasunod-sunod na kronolohikal. Karaniwang may mga bilang ang mga hakbang. Maaaring ang mga hakbang ay may kasamang larawan, dayagram o tatak na malinaw na nagpapaliwanag
  • Mga Bahagi ng Tekstong Prosidyural
    Pagtatasa – maikling talata sa huling bahagi ng prosidyur. Maaaring maytaglay na katanungan ang bahaging ito. Makikita ito lalo na sa mga eksperimentong pang-agham
  • Mga Bahagi ng Tekstong Prosidyural
    Mga elementong biswal – maaaring mapa, guhit, larawan, o dayagram ng proseso ang mga elementong ito. Ngunit hindi lahat ng prosidyur ay may kasangkot na mga elementong biswal.
  • Ang karaniwang mga tekstong prosidyural ay resipe ng mga ilulutongpagkain, pagbibigay-direksyon, mga tuntunin sa laro, pagsasagawa ng eksperimentong pang-agham, mga tuntuning pangkaligtasan lalo na sa daan at trapiko, at instruksyon sa mga manwal para sa mga gadget (selfon, ipad, atbp) at appliances (radio, telebisyon, bentilador, kompyuter, atbp)
  • Pangunahing layunin ng tekstong impormatibo na magbigay ng impormasyon at opinyon sa mambabasa
    False
  • Marapat lamang na direkta at obhetibo ang pagsulat ng mga tekstong impormatibo
    True
  • Hindi na kailangan ng awtor na gawing kawili-wili ang pagsulat dahil sapat nang nagbibigay siya ng impormayon
    False
  • Ang horoscope ay isang tekstong impormatibo
    False
  • Tumutulong ang tekstong prosidyural sa pagbuo at paggamit ng bagay o kasangkapan.
    True
  • Maaaring laktawan sa pagsulat ang ilang hakbang o prosidyur kung sa tingin ng awtor ay hindi ito gaanong mahalaga.
    False
  • Maaaring hindi ilista ng awtor sa unang bahagi ng teksto ang listahan ng mga gamit, materyales o sangkap.
    True
  • Hindi pwedeng lagyan ng mga larawan ang bawat hakbang sapagkat makapagpapagulo lamang ito sa pag-unawa ng mga hakbangin.
    False
  • Ang lahat ng tekstong prosidyural ay maituturing ding tekstong impormatibo. 
    True
  • Ang lahat ng tekstong impormatibo ay kabilang din sa tekstong prosidyural.
    False
  • Pangunahing layunin ng tekstong prosidyural na palalimin ang pagkaunawa ng mambabasa sa ipinaliliwanag na konsepto.
    False
  • Ang mga tekstong impormatibo ay imbakan ng mahahalagang kaalaman  sa buhay ng tao at sa lipunan. 
    True
  • Ang musical piece o piyesa ng awit ay maituturing na tekstong impormatibo.
    True
  • Nakapokus ang tekstong prosidyural sa mga hakbang na dapat gawin at hindi sa hinahangad na resulta. 
    False
  • Layunin ng mga awtor ng tekstong prosidyural sa paglalagay ng elementong biswal ay para lamang gawing kawili-wili ang kabuuan ng teksto. 
    False