FIL 101: Aralin 7 - 10

Cards (49)

  • Tekstong Argumentatibo
    • baguhin ang pag-iisip ng mambabasa at hikayatin silang kumilos o tanggapin ang kanyang paliwanag. Kinakailangang magharap ang manunulat ng makatwiran at lohikal na katibayan para sa kanyang mga pinaniniwalaan.
    • uri ng teksto na nangangailangang pagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
  • Elemento ng Pangangatwiran
    MELANIA L. ABAD (2004) SA LINANGAN III: WIKA AT PANITIKAN
    Proposisyon
    Argumento
  • Proposisyon
    • ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig.
    Halimbawa:
    • Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang
    mabawasan ang karahasan laban sa
    kababaihan.
    • Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng
    isang miyembro nito upang magtrabaho sa ibang bansa.
  • Argumento
    • ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig
  • Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
    Mahalaga at napapanahong paksa
    Maikli ngunit malaman at malinaw na
    pagtukoy sa unang talata ng teksto.
    Malinaw at lohikal na transisyon sa
    pagitan ng mga bahagi ng teksto.
  • Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
    Mahalaga at napapanahong paksa
    Maikli ngunit malaman at malinaw na
    pagtukoy sa unang talata ng teksto.
    Malinaw at lohikal na transisyon sa
    pagitan ng mga bahagi ng teksto.
    Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento.
    Matibay na ebidensiya para sa argumento.
  • Tekstong prosidyural
    • Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paanong isagawa ang isang tiyak na bagay.
    • Nagagamit ang pag-unawa sa mga tekstong prosidyural sa halos lahat ng larang ng pagkatuto. Hal, recipe ng pagluluto sa Home Economics, paggawa ng eksperimento sa agham at medisina, manwal kung paano gamitin ang isang bagay.
  • layunin ng tekstong prosidyural
    Makapagbigay ng sunod- sunod na direksiyon at impormasyon sa mga mambabasa upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente, at angkop na paraan.
  • Apat na nilalaman ng tekstong prosidyural
    • layunin o target na awtput
    • kagamitan
    • Metodo
    • Ebalwasyon
  • layunin o target na awtput
    • Ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur
    Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang bagay-bagay
  • kagamitan
    • Nakapaloob dito ang mga kasangkapan na kinakailangan upang maisagawa ang proyekto.
    • Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkakasunod-sunod kung kailan ito gagamitin.
  • Ebalwasyon
    • Naglalaman ng deskripsiyon sa pagsusukat ng tagumpay ng hakbang na isinagawa.
  • Wikang madalas gamitin sa tektong prosidyural
    • Nasusulat sa kasalukuyang panahon
    • Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang
    • Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng panghalip
    • Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon
    • Gumagamit ng malinaw na pang- ugnay at cohesive devices
    • Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon (hugis, laki, kulay, at dami).
  • Ayon kay Susan B Neuman (1997)
    PANANALIKSIK
    Isang paraan ng pagtuklas ng mga sagot sa mga partikular na tanong ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran.
  • Pakinabang ng Pananaliksik
    • Lumalawak at lumalalim ang karanasan sa kontekstong lipunan ng kaniyang pananaliksik.
  • Ayon kay Rosario Torres-Yu (2006)
    PANANALIKSIK
    Malinaw na ang intelektuwal na gawain ay hindi pansarili lamang, bagkus ay kailangang iugnay sa pangangailangan ng bayan.
  • Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik (Rosario Torres-Yu (2006))
    Pangunahing isinasaalang-alang sa maka- Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki- pakinabang sa sambayanang Pilipino.
  • Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik (Susan B Neuman (1997))
    Ang maka-Pilipinong Pananaliksik ay gumagamit ng wikang Pilipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.
  • Paksa ng Pananaliksik
    Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng isang mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga kalahok nito o pinatutungkulan ng pananaliksik.
  • METODONG ANGKOP SA KULTURA AT PAGPAPAHALAGANG PILIPINO AYON KAY ENRIQUEZ
    PAGMAMASID
    PAGGAMIT NG PAKIRAMDAMPAGTATANONG-TANONG
    PAGSUBOK
    PAGDALAW-DALAW
    PAGMAMATIYAG
    PAGSUBAYBAY
    PAKIKILAHOK
  • Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik (ENRIQUEZ)
    Komunidad ang laboratoryo ng maka- Pilipinong pananaliksik
  • TUNGKULIN NG MAG-AARAL
    Sa gabay ng mga guro, mahalagang lumabas ang mga mag-aaral at tumungo sa mga komunidad bilang lunsaran ng maka-Pilipinong pananaliksik
  • PATAKARANG PANGWIKA SA EDUKASYON
    Establishing the Policy to Strengthen the Use of English in the Educational System ni Gloria Macapagal-Arroyo noong Mayo 2003
    • Paglilimita sa wikang rehiyonal bilang wikang panturo
    • Pag-alis bilang batayang asignatura ang ng 6 hanggang 9
    na yunit ng Filipino
    • EXECUTIVE ORDER NUMBER 210
    GULLAS BILL 4710 O ENGLISH BILL
    CMO 20 SERIES 2013
  • INGLES BILANG LEHITIMONG WIKA (AYON KAY GONZALO CAMPOAMOR II)
    Neoliberal ang katangian ng polisiyang pangwika sapagkat umaayon ito sa pangangailangan ng ibang bansa.
  • INTERNASYONALISASYON NG PANANALIKSIK (ASEAN INTEGRATION 2015)
    • Ugnayang politikal at pang-ekonomiya
    • Pagpapaunlad sa sosyo-kultural na pagkakaisa ng
    mga bansa na magreresulta sa internasyonalisasyon ng pag-aaral sa mataas na edukasyon at pananaliksik
  • MAKA-INGLES NA PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG LARANG AT DISIPLINA
    Ingles ang namamayaning wika sa mga akademikong larangan at maganit ang pagsasalin ng mga pananaliksik labas sa humanidades, panitikan, at agham panlipunan.
  • KALAGAYAN AT MGA HAMON SA MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
    1. PATAKARANG PANGWIKA SA EDUKASYON
    2. INGLES BILANG LEHITIMONG WIKA
    3. INTERNASYONALISASYON NG PANANALIKSIK
    4. MAKA-INGLES NA PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG LARANG AT DISIPLINA
  • GABAY SA PAMIMILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN
    SA PANANALIKSIK
    1. GABAY SA PAGPILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN
    2. GABAY SA PAGPILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN
    3. GABAY SA PAGPILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN
    4. GABAY SA PAGPILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN
  • GABAY SA PAGPILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN
    May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa?
  • GABAY SA PAGPILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN
    Paano lilimitahan o paliliitin ang isang masaklaw na paksa?
  • GABAY SA PAGPILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN
    Makapag-ambag ba ako ng bagong kaalaman sa pipiliing paksa?
  • GABAY SA PAGPILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN
    Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong?
  • Ayon sa Free Dictionary (2014), ang etika ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap- tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali
  • Sa larangan ng Pilosopiya, ang etika ay itinuturing na isang sangayng pag-aaral na nakapokus sa mga prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang mabuti at nararapat.
  • Sa larangan naman ng pagsasagawa ng pananaliksik, ang etika ay pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan, at pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa. Mahalaga ang indibidwal a pagpapasiya ng mananaliksik sa kung ano ang mabuti o hindi, ngunit laging nakasalalay ito sa mga panlipunang pagpapahalaga.
  • Mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik na ibinahagi ng American Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa anumang larangan.
    1. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik.
    2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok.
    3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok.
    4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik.
  • Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik.
    • Mahalagang mabanggit at kilalanin ang iba pang iskolar na naging tuntungan at pundasyon g pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga iskolar na
    may malasakit at isang layunin.
  • Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok.
    • Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondents apagbibigay ngimpormasyon o anumang partisipason sapananaliksik.
  • Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok.
    • Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na a n anumang impormasyon na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik.
  • Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik.
    • Mahalagang ipaalam sa maa tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng
    mananaliksik sa kinalabasan ng paq-aaral.