Ang mapanuring pagbasa ay maaari ding tingnan bilang kumbersasyon.: 'Sa paghahambing, ang tekstong binabasa natin ay maituturing na ambag ng isang awtor sa usapan sa isang paksa.'
Upang makalahok ang mambabasa sa kumbersasyon ng mga akademiko tungkol sa isang paksa
Dapat isaalang-alang ang dalawang pangunahing hakbang sa mapanuring pagbasa: Una, ang pakikiramdam sa teksto, at ikalawa, ang pakikipag-ugnay sa teksto
1. Ano ang pangunahing ideya o argumento ng teksto?
2. Ano-ano ang mga sumusuportang datos o ebidensya para ilahatag ang pangunahing ideya o argumento?
3. Paano umuugnay sa isa’t isa ang mga datos o ebidensya? Mahigpit bang magkakaugnay ito o may nagsasalungatan?
4. Anong mga estratehiya ng nagdedebelop ng paksa ang ginagamit sa teksto? (Paghahalimbawa, paghahambing, sanhi at bunga, proseso, klasipikasyon, pagbibigay ng depinasyon, paglalarawan, pagsasalaysay, o pangangatwiran)
Magtala o magbigay komento sa teksto. Maaring salungguhitin ang mga kusing salita, parirala, o pangungusap; magsulat ng mga kumento o tanong sa gilid; at markahan ang mahahalagang bahagi ng teksto
Basahin muna nang mabilisan ang panimula at konklusyon. Puwedeng pasadahan ang mga pangunahing seksiyon ng katawan ng teksto upang makita sa mga heading at subheading o mga pamagat ng mga seksiyon sa kumakatawan sa mga pangunahing bahagi ng teksto
Ang teksto ay hindi nasusulat mula sa wala. Lagi itong nalilikha batay sa iba't ibang konteksto. Kabilang na rito ang konteksto ng awtor, panahon kung kailan isinulat at binabasa ang teksto, kulturang pinagluwalan ng teksto, mambabasang pinag-ukulan, at kasalukuyang mambabasa ng teksto
Gumawa ng isa hanggang dalawang lebel o antas na balangkas ng teksto, lagumin ang teksto sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga pangunahing ideya o argumento ng teksto gayundin ang sekundaryang ideyang sumusuporta rito
Mapapayaman ang pagbabasa sa pag-uugnay sa tekstong binasa at sa iba pang tekstong nabasa na, maaaring mga tekstong akademiko rin, pahayag na narinig, obserbasyon, o sariling karanasan