1. Teknikal na pagsulat: Uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal upang maihatid ang teknikal na impormasyon. Karaniwang nagtataglay ito ng mga paksang teknikal. Dokumentasyon para sa teknolohiya. Halimbawa: manwal, gabay sa pag-ayos ng kompyuter at iba pa.
2. Referensyal na pagsulat: Isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagsusuri o nagbibigay ng impormasyon. Layunin nito na maiharap ang impormasyong batay sa katotohanan. Halimbawa: teksto, pagsusuring pangkasaysayan, dyaryo at iba pa.
3. Journalistik na pagsulat: Isang uri ng pagsulat ng balita, kadalasang sumasagot sa mga tanong na sino, ano, kalian, saan, bakit at paano. Pinipili nang maingat ang mga salita at pinapanatiling simple at tuwiran ang estilo nito. Halimbawa: editoryal, balita at iba pa.
4. Malikhaing pagsulat: Masining na paglalahad ng naiisip o nadarama at karaniwang bibigyang-pansin ang wikang ginagamit sa susulatin. Ito’y ginagawa ng tao bilang midyum sa paglalahad ng kanilang sariling pananaw sa mga bagay