Ang teksto ay ang mga salita na makikita sa mga babasahin tulad ng aklat at iba't-iba pang babasahin
Ang teksto ay nagbibigay ng mensahe o damdamin ng sinuman sa paraang pasulat o nakalimbag
Ang teksto ay isa sa mga mabisang paraan upang matuto ng mga bagong kaalaman ay sa pamamagitan ng pagbabasa
Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon
Ang tekstong impormatibo ay kadalasang sinasagot ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano
MAY KOHIRENS- Mahalaga ang maayos na daloy ng kaisipan. Hindi magkakaroon ng halaga ang nilalaman ng akda kung ito ay hindi naihanay sa maayos na pamamaraan. Ang magulong pagpapaliwanag ay nagreresulta lamang sa kaliyuhan ng mambabasa o tagapakinig.
EMPASIS – Kailangang hindi malunod sa mga ideya ang mambabasa o tagapakinig. Hindi dapat matakpan ang pangunahing ideya na siyang ipinaliliwanag kung kaya’t dapat mabigyang emphasis o diin ang pangunahing kaisipan na binibigyan ng eksposisyon.
Sanhi at Bunga - Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari. Nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga).
MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI
Paghahambing at Pagkokontrast - Ang mga teksto na nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto, o pangyayari.
MGA HULWARAN NGTEKSTONG EKSPOSITORI
Pagbibigay-depinisyon- Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto. Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, mahalagang pag-ibahin ang mga kahulugang denotatibo o konotatibo
MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI
Paglilista ng Klasipikasyon -Ang estrukturang ito naman ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay
MGA HULWARAN NGTEKSTONG EKSPOSITORI
PAGSUSUNOD-SUNOD o ORDER -Paraan ng pag-oorganisa ng mga pangyayari o ng isang proseso. Madaling maunawaan sapagkat sunod-sunod ang mga paglalahad ng mga kaisipan o ideya na siyang nagpapalinaw sa bumabasa
Tiyak – May katotohanan ang mensahe at may basehan ang mga informasyon
May koherens – May maayos na daloy ng kaisipan
Tekstong impormatibo
May bagong kaalamang nakabatay sa angkop na datos mula sa pananaliksik
Ang Tekstongimpormatibo ay isang uri ng teksto na may layuning magbigay ng impormasyon. Ito ay nagpapaliwanag at nagbibigay linaw tungkol sa iba't ibang paksa.
Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa.
KARANIWANG DEKSRIPSYON- Pagbubuo ito ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng mga katanglang ating napag-aralan na.
MASINING NA DESKRIPSYON- Pumupukaw ng guniguni ang masining na deksripsyon. higit sa nakikita ng paningin ang maaring ilarawan ng salita. Gumagamit ng salitang nagbibigay-kulay, tunog, galaw at matinding damdamin. Isinasaalang-alang ang damdamin at kuro-kuro ng manunulat.
Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
NILALAMAN NG TEKSTONG PERSUWEYSIB
Malalim na pananaliksik -Kailangang alam ng isang manunulat ang pasikot-sikot ng isyung tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito.
NILALAMAN NG TEKSTONG PERSUWEYSIB
Kaalamansaposiblengpaniniwalangmambabasa -Kailangang mulat at maalam ang manunulat ng tekstong persuweysib sa iba’t ibang laganap na persepsiyon at paniniwala tungkol sa isyu.
Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
Deus ex machina
Plot device na ipinaliliwanag ni Horace sa kanyang Ars Poetica kung saan nabibigyang-resolusyon ang tunggalian. Nababago ang kahihinatnan ng kuwento at nareresolba ang matitinding suliranin na tila walang solusyon sa pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao, bagay at pangyayari na hindi naman naipakilala sa unang bahagi
Creative Non-Fiction (CNF)
Kilala rin bilang literary non-fiction o narrative non-fiction. Ito ay isang bagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit ng istilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan
Ang tekstong naratibo ay naglalayong magsalaysay ng kwento o pangyayari. Ang pagsulat nito ay maaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maari din namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon).
Halimbawa ng akdang piksyon
Nobela
Maikling kwento
Tulang nagsasalaysay
Halimbawa ng di-piksyon
Talambuhay
Balita
Maikling sanaysay
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Oryentasyon: Kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailalatag ang mga ito sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang tanong na sino, saan, at kailan
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Pamamaraan ng Narasyon: Detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Komplikasyon o Tunggalian: Pangunahing tauhan ang karaniwang nakapaloob sa tunggalian. Ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Resolusyon: Kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ang resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Estruktura:Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento. Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari..
Pamamaraan ng Narasyon
Diyalogo: Sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari.
Pamamaraan ng Narasyon
Foreshadowing: Nagbibigay ng pahiwatig o hints hinggil sa kahihinatnan o mangyayari sa kuwento
Pamamaraan ng Narasyon
Plot twist: Tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng isang kwento
Pamamaraan ng Narasyon
Ellipsis: Omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpupuno sa naratibong antala
Pamamaraan ng narasyon
Comic book death: Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa kuwento
Pamamaraan ng Narasyon
Reverse chronology: Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula
Pamamaraan ng Narasyon
In medias res: Nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang ipinakikilala ang mga karakter, lunan at tension sa pamamagitan ng mga flashback