Swamakumari Devi – Siya ang nagtatag ng kilusang Sakhi Smiti noong 1886. Ang samahang ito ay tumangkilik sa mga handmade na likhang produkto ng kababaihan. Siya rin ang unang babae na dumalo sa Indian National Congress noong 1889
Pandita Ramabai – Siya ay nagtatag ng isang paaralan para sa kababaihan. Bukod pa rito, nagpatayo rin siya ng tirahan para sa mga balo.
Sarojini Naidu – Siya ang namuno sa Women’s India Association na nangampanya noong 1919 upang ang kababaihan ay mabigyan ng karapatang bomoto. Taong 1950 lamang nang igawad sa kababaihan ng India ang kanilang ang karapatang bomoto.
Women’s Indian Association (1917) at All-India Women’s Conference (1927) ay parehong tumutol sa maagang pagpapakasal ng mga bata. Ipinaglaban din ng dalawang samahang ito ang karapatan sa edukasyon at mga legal na reporma para sa kababaihan
All Indian Coordination Committee ay nagbigay pansin sa mga usapin tungkol sa benepisyo sa pagbubuntis, pasilidad sa mga day care, at pantay na pasahod para sa kababaihan
Factories Act of 1948 – Ipinagbawal ng batas na ito ang pagtatrabaho ng kababaihan sa mga delikadong makinarya habang umaandar ang mga ito.
Indian Factory Act of 1891 – Binigyang pansin nito ang hindi makatuwirang bilang ng oras ng pagtatrabaho ng kababaihan
ang Sri Lanka ang naging unang bansa sa mundo na nagkaroon ng babaeng punong ministro—si Sirimavo Bandaranaike
Sri Lanka Women’s NGO Forum – Ang samahang ito ang nagtaguyod ng partisipasyon ng kababaihan sa pulitika
Women for Peace 1984 – Ito ang nagsilbing bantay sa militarisasyon ng Sri Lanka.
Nakilala si Benazir Bhutto bilang isang prominenteng babaeng repormista sa Pakistan. Siya ay naging punong ministro ng Pakistan, at naging unang babaeng lider ng bansa.
Ang Women’s Action Forum (WAF) ng Pakistan ay isang kilusan na lumaban sa mga batas na nang api o umabuso sa karapatan ng kababaihan na nakita sa pamahalaan ng Zia Ordinansa ng Hudood noong 1979.
Collective Women’s Platform upang labanan ang mga pang-aabusong seksuwal at iba pang karahasan laban sa kababaihan
Mahila Parishad ay itinatag noong 1970 at itinuring bilang pinakamalaking samahan ng kababaihan sa Bangladesh
United Women’s Forum ay humiling na lubos pang patibayin ang CEDAW
Pangunahing kilusang itinatag ang Mahila Samite Women’s Committee, ang unang pormal na kilusang pangkababaihan sa Nepal na lumaban sa diskriminasyon at pang-aabuso sa kababaihan
Rebanta Kumari Acharya – Siya ang nagtatag ng Model Women’s Organization
Shilu Singh – Siya ang unang babaeng nakapagsanay bilang abogado
Reyna Rania Al-Abdulla – Siya ang nanguna sa kampanya laban sa pang-aabuso sa kababaihan sa Jordan
Susan Mubarak – Pinamunuan niya ang National Council on Women sa kampanya nito na baguhin ang batas pampamilya sa Ehipto.
Sheikha Fatima Bint Mubarak – Siya ang nanguna sa pagbibigay ng karapatan na makapag-aral sa kolehiyo at magkaroon ng karapatang ekonomiko ang kababaihan sa United Arab Emirates