Ang pagdating ni Ferdinand Magellan noong Marso 16, 1521 ang simula ang nagsimula ng pagdating ng Espanyol.
Ang pananakop ay nagsimula noong 1565 sa pagdating ni Miguel Lopez de Legaspi.
Ang 3 pangunahing layunin ng mga Espanyol ay:
Palaganapin ang Katolisismo
Palawakin ang kapangyarihan sa pananakop
Paghanap ng mga pampalasa, likas-yaman, at hilaw na materyal
Sinunog ng mga Espanyol ang mga nakasulat na panitikan ng mga Pilipino upang maipalaganap ang Katolisismo at pinalitan ng mga panitikang pumapaksa sa Kristiyanismo.
Naging mapanghuwad o magkatulad sa Espanyol ang mga panitikan ng Pilipinas.
Ang 2 larangan ay ang panulaan at dula.
Lumaganap sa larangang panulaan ang:
Tulang liriko
Awit
Korido
Pasyon
Lumaganap sa larangang dula ang:
Duplo
Karagatan
Komedya o Moro-moro
Dulang panrelihiyon
Senakulo
Sarsuwela
Akdang tuluyan o prosa ay may paksang panrelihiyon at karaniwang tungkol sa talambuhay ng mga santo.
Ang sumulat ng aklat na Panitikan ng Pilipinas ay si Jose Villa Panganiban.
Ayon kay Jose Villa Panganiban sa aklat na Panitikan ng Pilipinas, ang panitikan noong panahon ng Espanyol ay:
May sari-saring kaanyuan at pamamaraan
Karaniwang paksain ay panrelihiyon
Lalong nakarami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong Espanyol
Tulang romansa ay panitikang nagbibigay-halaga sa Kristiyanismo. Ito ay nahahati sa dalawa, ang awit at korido.
Tulang romansa ay nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda sa Birhen o santo.
Tulang romansa ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan. Ang karakter ay nagtatagumpay dahil sa mataimtim na pananalig niya sa Diyos.
Batay sa anyo, ang awit ay may 12 pantig sa isang taludtod at 4 na taludtod sa isang taludturan. Ang korido naman ay may 8 pantig sa isang taludtod at 4 na taludtod sa isang taludturan.
Batay sa musika, ang awit ay mabagal o tinatawag na andante. Ang korido naman ay mabilis o tinatawag na allegro.
Batay sa paksa, ang awit ay tungkol sa bayani, mandirigma, at larawan ng buhay. Ang korido naman ay tungkol sa pananampalataya, alamat, at kababalaghan.
Ang katangian ng mga tauhan sa awit ay walang kapangyarihang supernatural.
Ang katangian ng mga tauhan sa korido ay may kapangyarihang supernatural.
Mga halimbawa ng awit ay:
Florante at Laura
Pitong Infantes De Lara
Doce Pares ng Pransya
Haring Patay
Mga halimbawa ng korido ay:
Ang Ibong Adarna
Kabayong Tabla
Ang Dama Ines
Prinsipe Florinio
Ayon kay Pura Santillan-Castrence, ang Ibong Adarna ay hinango sa mga kuwentong-bayan sa mga bansa sa Europa tulad mg Romania, Denmark, Austria, Alemanya, at Finland.
Hindi bahagi ng Panitikang Pilipino ang Ibong Adarna dahil hiram lamang ang kasaysayan nito.
Tulang romansa ay nakilala sa Europa noong Panahong Medieval o Middle Ages.
Nakarating ang tulang romanasa noong 1610 mula Mexico.