SSP82

Cards (54)

  • “Taga-ilog”- isang naka-tira o tumatahan sa ilog.
  • “Taga”- isang katutubo (native) sa kanyang bayan.
  • Nagmula ang lahing ito sa mga ilog ng mga patag na lupain (rivereine plains) ng Baybayin ng Maynila, Bulacan, at Laguna.
  • Pinaniniwalaang nabuo ang katawagang ito upang maging kaiba
    sa mga tinatawag na “taga-bundok” na tumutukoy sa mga
    nakatira sa bulubundiking Sierra Madre (Nagcarlan, Laguna at
    Baybayin ng Lamon sa Quezon).
  • Isa ito sa mga lahing Austronesians sa sumasaklaw sa Timog-
    Silangang Asya at sa mga pulo ng Dagat Pasipiko.
  • Sila ay kaiba sa mga Bisaya batay sa pagkakahati ng kanilang
    mga lupain at pulo sa tulong ng mga anyong lupa tulad ng
    bundok. (Scott, 1994)
  • Tagalog rin ang tawag sa wikang kanilang sinasalita.
  • KATAGALUGAN- pangkalahatang tawag sa lupain (rehiyon)
    ng mga lahing Tagalog o mga mananalita ng Tagalog.
  • TAWO- Ang tawag sa kanilang mga sarili na tumatahan sa
    kanilang bayan. Dito buhat ang salitang “tao”.
  • Hindi nila ito itinatawag sa mga hindi nila kalahi (mga tribo
    at mga dayuhan). Ibangbayan ang tawag sa kanila.
  • SAMOT/SAMOK- Mga dayuhang may dunong sa pagsasalita
    ng Tagalog.
  • BAYAN- Dito nabuo ang kanilang pangunahing
    pagkakakilanlan. Sa bayan din ang kanilang katapatan kung
    saan tapat siya sa kanyang kalahing tinatawag na
    “kababayan”.
  • Bagaman iisa ang wikang sinasalita, iba-iba ang paraan ng paggamit
    nito (diyalekto) batay sa dakong pinanggalingan.
  • Taga-patag- mga nakatira sa patag at gilid ng ilog. Ang mga
    halimbawa nito ay ang mga Bulakenyo.
  • Taga-dagat- mga bumuo ng pamayanan sa mga dalampasigan.
    Ang mga halimbawa nito ay mga taga-Maynila, Laguna, at Batangas.
  • Taga-bundok- mga Tagalog na nakatira sa bulubundukin ng
    Sierra Madre. Ang mga halimbawa nito ay ang mga Dumagat ng
    Bulacan at Aurora.
  • Sinasabing ang mga Tagalog ay may kaugnayan sa mga lahing
    Malay (ma-ley) at mga taga-Borneo (Bruneian) pagdating sa
    ugnayang pang-kalakalan at pandigma.
  • Ang kanilang pakikipag-kalakalan sa mga unang Tagalog ay
    nakapag-dulot ng pagpapalaganap ng Islam sa Luzon.
  • Ang mga rajah ng Maynila (Intramuros) tulad ni Rajah
    Matanda (Rajah Ache) at ng Tondo tulad ni Rajah
    Lakandula ay buhat sa lahi ng mga Bolkiah ng Brunei.
  • Ang mga Bolkiah ang siyang ruling family ng Brunei kung
    saan ang pinuno nito ay isang sultan.
  • Dahil dito, minsan na ring lumahok ang mga mandirigmang
    Tagalog sa mga digmaan at gawaing panghukbo bilang mga
    kakampi ng Sultan ng Brunei.
  • Karamihan sa mga ito ay tumatahan sa sultanato.
  • Ang mga ugnayan ay nakatuon sa pagpapalitan ng mga sandata
    at mga alyansang panghukbo.
  • Ang mga halimbawa ng mga ito ay ang mga datu ng Balayan
    (Batangas) na lumaban sa pananakop ng mga Kastila sa
    Borneo noong 1578.
  • Kinilala ng isang Portugues ang mga Tagalog at Bruneian bilang
    “halos may iisang lahi” dahil sa hitsura at wikang sinasalita.
  • Ang kanilang ugnayan ay nakatuon sa pakikipag-kalakalan kung saan ang
    wikang Malay ang kanilang sinasalita.
  • Maraming mga Tagalog ang tumahan at nangalakal sa iba’t ibang bahagi
    ng Malaya katulad ng sa Moluccas (Melaka) at nakagamit ng mga sariling
    barko.
  • Sa panahong ang Tangway ng Malaya (Malay Peninsula) ay sinasakop ng
    mga Portugues, ang mga Tagalog ay tinawag na Luções (mga malapit sa
    Baybayin ng Maynila, mga taga-Luzon).
  • Mga ikinakalakal: pagkain, pagkit (wax), honey, mababang uri ng
    ginto, at mga kalakal na Tsino.
  • Dahil sa husay sa pangangalakal, ang ilan sa mga Luções ay ginagawaran
    ng bansag na diraja na nangangahulugang “royal” o “maka-hari”.
  • Minsan na ring lumahok ang mga Tagalog/Luções sa mga
    gawaing pandigma upang ipagsanggalang ang Straits of
    Malacca at upang bawiin ang Malacca mula sa pananakop ng
    mga Portugues. Ito’y pinamunuan ng pinatalsik na Sultan ng
    Malacca.
  • Maging sa ibang mga digmaan sa ibang bahagi ng Timog-
    Silangang Asya tulad ng sa Aceh (at-tse) sa Indonesia at
    Ayutthaya sa Thailand na nasa ilalim ng mga Burmese (taga-
    Myanmar).
  • Maraming mga hiram na salitang Malay ang naging bahagi ng
    wikang Tagalog dulot ng mga gawaing pangangalakal.
  • Karaniwang nagsusuot ng mga G-string na bahag/balabal bilang pang-ibaba
    at ng mala-t-shirt na pang-itaas na walang kuwelyo. ay kalalakihan
  • Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, sinimulan ang pagsusuot ng
    tinatawag na “balloon pants”.
  • Nagsusuot din sila ng salampay (scarf) na may pagkakahalintulad sa alampay
    ng mga kababaihan.
  • Sa ulo ay may putong, isang telang nakapaikot sa ibabaw ng ulo, animo’y
    turban. Bahagyang may pagkakahawig sa mga turban ng mga Indian.
  • Nagpapalamuti sa mukha bilang pampaganda (pulpol face
    powder, pulang nail polish na kamuntigi, at barak na ugat
    bilang skin lotion) ang mga kababaihan
  • Mahilig din sa mga ginintuang alahas. ang kababaihan
  • Karaniwag sa mga babaing Tagalog ang magsuot ng 1-2 tapis
    na pinapatungan ng baro.