Module 5 and 6

Cards (36)

  • Ang salitang fiscal o piskal ay mula sa salitang Latin ng fisc na nangangahulugang basket o bag.
  • Ang pamahalaan ay nangongolekta ng salapi sa buwis.
  • Kita ng Pamahalaan:
    • Buwis
    • Kita sa Negosyo
    • Pagbebenta ng Ari-arian
    • Pangungutang
  • Ang patakarang piskal ay tumutukoy sa gawain ng pamahalaan sa paggasta at pagbubuwis.
  • Ayon kay John Maynard Keynes (1935, Patakarang Piskal), malaki ang papel ng pamahalaan sa kaayusan ng ekonomiya.
  • Kapag ang tungkulin ay magkaroon ng matatag na ekonomiya, kailangan ng pamahalaan ang GNI, Pagbabadyet at Paggastos.
  • Kapag ang tungkulin ay serbisyong panlipunan. kailangan ang edukasyon, kalusugan, imprastruktura, seguridad at kaligtasan.
  • Kapag tungkulin ay publikong produkto, kailangan ang paaralan, hospital, at kalsada.
  • Piskal na polisiyang isinasagawa upang gisingin ang matamlay na ekonomiya.
    Expansionary Fiscal Policy
  • Piskal na polisiyang isinasagawa upang pabagalin ang pagsulong ng ekonomiya.
    Contractionary Fiscal Policy
  • Dito, binabawasan ang singil ng buwis, tinataasan ang gastusin ng pamahalaan, at tinataasan ang kabuuang demand.
    Expansionary Fiscal Policy
  • Dito, tinataasan ang singil ng buwis, binabawasan ang gastusin ng pamahalaan, at binabawasan ang kabuuuang demand.
    Contractionary Fiscal Policy
  • Ang Patakarang Pananalapi ay sistemang pinapairal ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang kontrolin ang suplay ng salapi sa sirkulasyon.
  • Pananalaping polisiya na isinasagawa upang gisingin ang matamlay na ekonomiya.
    Expansionary Monetary Policy
  • Polisiya kung saan binabawasan ang interes ng pagpapautang.
    Expansionary Monetary Policy
  • Pananalaping polisiya na isinasagawa upang pabagalin ang pagsulong ng ekonomiya.
    Contractionary Monetary Policy
  • Polisiya kung saaan mahigpit ang pagpapahiram ng pera sa mga negosyante.
    Contractionary Monetary Policy
  • Ang bangko ang pangunahing institusyon na may kinalaman sa patakaran ng pananalapi.
  • Ang bangko ay may layunin na maisaayos ang suplay ng salapi sa ekonomiya.
  • Tungkulin ng bangko:
    1. Tagapagtago ng salapi
    2. Hiraman ng salapi
    3. Magsilbing guarantor
    4. Mangasiwa sa palitan ng mga salapi
  • Commercial Bank - Para sa mga negosyante at namumuhunan. Nagpapautang ng panandalian lamang.
  • Thrift Bank - Mga bangkong nagpapautang at impukan. Programa nito ang magpautang at tumubo.
  • Rural Bank - Pokus ang mga bayan na limitado ang pinaglilingkuran.
  • Landbank of the Philippines - Pangunahing bangko ng pamahalaan matapos maisapribado ang PNB.
  • Development Bank of the Philippines - Itinatag upang makulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Nagpapautang ito sa small-medium scale industries.
  • Al Amanah Investment Bank of the Philippines - Layunin nitong tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan.
  • Kooperatibo - Layunin nito ay programang panlipunan at pangkabuhayang pagtutulungan at pagkakaisa.
  • Sanglaan - Tumatanggap ng mga bagay na maaaring gawing kolateral upang makautang.
  • GSIS - Nag-aasikaso sa mga empleyado ng pamahalaan.
  • SSS - Bangko para sa mga pribadong kompanya.
  • Pag-ibig (Pagtutunlungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya, Gobyerno) - Itinatag upang matulungan ang kasapi na magkaroon ng bahay.
  • Insurance Companies - Rehistradong korporasyon sa SEC na bibigyan karapatan na mangalakal ng negosyo.
  • Bangko Sentral ng Pilipinas - Sinusubaybayan nito ang lahat ng institusyon sa pananalapi.
  • Philippine Deposit Insurance Company - Nagbibigay-proteksyon sa mga depositor at tumulong sa matatag na sistemang pinansyal.
  • Security And Exchange Commission - Nagtatala sa mga kompanya sa bansa. Nagbibigay ang SEC ng impormasyon bilang gabay sa pamumuhunan.
  • Insurance Commission - Nangangasiwa sa mga negosyo ng pagseseguro na may layuning panatiliing matatag ang kompanyang nagseseguro.