. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation at gender identity o SOGI) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta,
binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga rekomendasiyon.
Prinsipyo 1 ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
Prinsipyo 2 ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.
Prinsipyo 4 ANG KARAPATAN SA BUHAY
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 12 ANG KARAPATAN SA TRABAHO
Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, samakatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 16 ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 25 ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kanyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Ang CEDAW ay ang Conventiononthe Elimination of All Forms of Discrimination Against Women.
Ang CEDAW ay kilala rin bilang International Bill for Women
Ang CEDAW ay kilala rin bilang , The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women.
Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979 noong UN Decade for Women.
Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980,
ipinatupad ang Cedaw sa pilipinas noong septyembre 3, 1981
Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.Ginawa na tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?
LAHAT NG BABAENG PILIPINO
MarginalizedWomen ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan.
Women inEspeciallyDifficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.