Duke (2000) - ang dahilan kung bakit hindi gaanong nakapagbasa ng tekstong impormatibo ang mga magaaaral ay limitado lamang ang ganitong uri ng mga babasahin sa kanilang kapaligiran
Mohr (2006) - na kung mabibigyan ng pagkakataong makapili ng aklat ang mga mag-aaral sa unang baitang, mas pipiliin nila ang tekstong di piksyon kaysa piksyon
Tekstong impormatibo - di piksyon
Tekstong impormatibo -naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa ibat ibang paksa
Tekstong impormatibo - sa ibang teknolohiya ay tinatawag din itong ekspository
Obhetibo - ito ay may tiyak na paglalarawan
Subhetibo - ito ay ang paglalarawan ayon sa sariling saloobin at opinyon
Obhetibo - Tiyak na pagbibigay ng detalye sa isang tao, bagay, lugar ayom sa totooong buhay. Ito ang uri nng paglalarawan batay sa totoon nakikita, naadarama, naririnig, o nalalasahan. Ang mga pahayag ay sadyang makatotohanan.
Subhetibo - Paglalarawan na isinulat ng malinaw at may damdamin ngunit hindi nakabatay sa totoong buhay. Ito ay paglalarawan na hindi makikita ng konkreto ang imahe o larawang isinasaad ng manunulat. Karaniwan ay gumagamit ng mga matatalinhagang mga pahayag.
Elemento ng Tekstong Impormatibo:
layunin ng may akda
Pangunahing ideya
Pantulong na kaisipan
Estilo sa pagsulat
Layunin ng may akda - mapalawak ang kaalaman tungkol sa isang paksa
Pangunahing ideya - direkto o dagliang inilalahadd angga ideya ng paksa, hindi maligoy at malikhain. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi tinarawag din itong organizational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin
Pantulong na kaisipan - Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasabang nais ilahad na impormasyon sa teksto
Estilo sa pagsulat - higit na makatutulong sa mambabasa ng tekstong impormatibo na mas maunawaan kung ito mayroon at mabibigyang-diin nito ang mga sumusunod;
Paggamit ng nakalarawang presentasyon
Pagbibigay diin sa magahalagang salita sa teksto
Pagsulat ng talasanggunian
Mga uri ng tekstong Impormatibo:
Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan
Paguulat at pang impormasyon
Pagpapaliwanag
Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan - inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
Paguulat ng impormasyon - Nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa mga may buhay at walang buhay sa daigdig. Saklaw nito ang mga paksa gaya ng teknolohiya, global warming, cyberbullying, mga hayop na malapit nangmaubos, impormasyong kaugnay ng mga halaman at iba pa. Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masuring pananaliksik
Pagpapaliwanag - nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Tekstong prosidyural - Isang uri ng paglalagad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay
Tekstong Prosidyural - layunin niyo ay makapagbigay ng sunod sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao upang tagumpay na maisagawa ang gawain sa ligtas at angkop na paraan
Apat na nilalaman ng tekstong prosidyural:
Layunin o Target na awtput
Kagamitan
Metodo
Ebalwasyon
Layunin o target na awtput - Nilalaman ng bahagingbahaging ito kung ano ang kalalabasan ng proyekto ng proasidyur. maaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng iaang bagay kung susundin ang gabay.
Kagamitan - nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitan kailanganinkailanganin upang makompleto ang isasagawang proyekto
Metodo - Serye ng mga hakbabg na isasagawa upang mabuo ang proyekto
Ebalwasyon - Nalalaman ang mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa
Iba't ibang uri ng mga propaganda device:
Name calling
Glittering Generalities
Transfer
Testimonial
Plain Folks
Card Stacking
Bandwagon
Name Calling - pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggali upang hindi tangkilikin
Glittering Generalities - ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa/
Transfer - Paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan
Testimonial - kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nageendorso ng isang tao o produkto
Plain folks - mga kilala o tanyag na tao ay pinapalabas na ordinaryong tao na nanghihikayat sa produkto o serbisyo
Card Stacking - Ipinakikita ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit di hindi binabanggit ang hindi magagandang katangian
Bandwagon - Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil lahat ay sumali na
Tekstong Persuweysib - Layunin na manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto
Tatlong paraan ng panghihikayat ayon kay Aristotle:
Ethos
Pathos
Logos
Ethos - Tumutukoy sa kredebilidad ng manunulat. Hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit na angkop ngayon sa salitang imahe
Ethos - Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na malawak ang kanyang kaalaman at karanasan sa isinusulat.
Ethos - Dapat na maisulat nang malinaw at wasto ang teksto upang lumabas na higit sa kaalaman at mahusay ang sumusulat
Pathos - Gamit ang emosyon o Damdamin upang manghikayat ang mambabasa
Pathos - Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala isang epektibong paraan upang mangumbinsi