Binubuo ito ng mga sinulat ng iba’t ibang grupo ng mga taong nanahanan sa ating kapuluan bago pa sinakop ang Pilipinas. Kabilang dito ang maraming kuwentong bayan, awiting bayan, epiko, mito, alamat, pabula, bugtong, bulong, salawikain, at kasabihan. Pasalindila ang paraan ng pagtuturo ng mga ito sa kabataan.