Isang panlipunang institusyon kung saan ang mga mamamayan ay tinuturuan ng mga bagay na kakailanganin upang maging mabuti at matagumpay na mga miyembro ng lipunan
Edukasyon
Ito ay ang pagkatuto tungkol sa kultura sa pamamagitan ng araw-araw na pakikipamuhay kasama ang ibang tao sa komunidad.
Impormal na edukasyon
Ito ay ang pagkatuto patungkol sa mga kaalaman at kakayahan na maghahanda sa indibidwal na maging produktibong miyembro ng lipunan.
pormal na edukasyon
Ito ay isang batas kung saan nireporma ng pamahalaan ang haba, nilalaman, at layunin ng pormal na edukasyon ng bansa.
Enhanced Basic Education Act of 2013 (Batas Republika blg. 10533) o K to 12 Act
Mga pagbabago dulot ng K-12 Act:
Pagbabago sa haba ng panahon ng pormal na edukasyon
Pagbabago sa nilalaman ng pormal na edukasyon sa Pilipinas
Nagbibigay kaalaman ang K-12 patungkol sa mga bagay na mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga modernong Pilipino katulad ng disaster risk reduction (DRR), climate change adaptation, at information and communication technology (ICT)
Umpisahan ang pagtuturo sa mga mag-aaral sa unang baitang gamit ang kanilang sariling wika at unti-unti sanayin sa wikang Tagalog at Ingles pagdating nang ikaapat na baitang.
mother tongue-based multilingual education
Ito ay isang sistema ng pagsasalita na may sariling mga kasanayan o patakaran ng pagbigkas, pagbaybay, at pagbuo ng mga pangungusap.
Wika
Ito ay pumapatungkol sa kung paanong ang isang wika ay nagbabago ng pagkakabigkas o ng punto depende sa kung saan nanggaling na grupo ang isang tao
Diyalekto
Mga pangunahing kaalaman para sa seniro high school student:
Wika
Panitikan
Komunikasyon
Matematika
Pilosopiya
Likas na Agham
Agham Panlipunan
Apat na tracks para sa senior high school students:
Academic track
Technical-vocational-livelihood track
Sports track
Arts and design track
Ito ay dinisenyo para sa mga taong nais pang magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Ang layunin ng track na ito ay magbigay ng pundasyon sa kursong nais pasukin ng mag-aaral sa kolehiyo habang sila ay nasa pansekondaryang edukasyon pa lamang.
Academic Track
Ito ay nakadisenyo para sa mga mag-aaral na nais nang maghanap ng trabaho pagkatapos ng kanilang K to 12 na edukasyon. Layunin ng track na ito na bigyan na agad ng pormal na pagsasanay ang mga mag-aaral sa iba-ibang klase ng mga gawain na posibleng hanapin o asahan mula sa mga nagtatrabaho sa industriya.
Technical-vocational-livelihood track
Ito ay para sa mga mag-aaral na nais mag-umpisa ng karera sa larangan ng isports
Sports Track
Ito ay na nakadisenyo upang pagyamanin ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral at tulungan silang magkaroon ng karera sa larangan ng media at visual arts, panitikan, sayaw, musika, o teatro.
Arts and Design Track
Strands under academic track:
Accounting, business, and management (ABM)
Humanities and social science (HUMSS)
Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM)
Ang layunin ng K-12 Act ay pataasin ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at paramihin ang oportunidad na maging matagumpay ang mga magsisipagtapos mula rito.
Ginagamit ang pre-med at pre-law para sa dalawang bagay:
bigyan ng sapat na panahon ang mag-aaral na mapaunlad ang kakayahan upang maging handa sa mga haharaping pagsubok sa kursong medisina o abogasya
ituro sa mga mag-aaral ang mga asignaturang magiging pundasyon ng mas mataas at mas komplikadong pag-aaral sa kursong medisina at abogasya.
Kinakailangang makapasa muna ng licensure exam ang isang nagtapos ng kolehiyo upang makakuha ng lisensiya mula sa Prefessional Regulation Commission (PRC).
Ito ay kilala rin sa tawag na Konstitusyon, na siyang pinakadakila o pinakamataas na batas sa bansa.
Saligang Batas
Ito ay ang kakayahang magsulat, bumasa, at magsagawa ng simpleng matematikong mga pagtutuos na magagamit ng isang tao sa araw-araw na pagtatrabaho at pamumuhay.
Functional Literacy
Ito ay ang kakayahang makapagsulat o makapagbasa ng isang pangungusap.
Basic Literacy
Sa ilalim ng batas na ito, libre na ang matrikula at iba pang kaakibat na pang-edukasyong gastusin ng mga mag-aaral sa piling mga pampublikong kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas.
Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Batas Republika blg. 10931)
Isang sistema ng alternatibong edukasyon kung saan ang mga mamamayang hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay nabibigyan ng pagkakataon na makamit ang naudlot nilang pangarap na mag-aral.
Alternative Learning System o ALS
Ito ay nagpapalawak sa sakop ng batas patungkol sa mga taong may kapansanan, binibigyan ng ayuda ng pamahalaan, sa pamamagitan ng tulong pampaaral, ang mga may kapansanan.
Batas Republika blg.10754
Ito ay upang bigyan-daan ang pagsasanay ng mga guro ng special education (SPED). Layunin ng batas na ito na bigyan ng pormal na pagsasanay ang mga guro kung paano alagaan, turuan, at pakitunguhan ang mga taong may “special needs” sa loob ng silid-aralan