Mga pagbabago sa pamamahala ni Charlemagne
1. Hinati ang imperyo sa duchies at counties na pinamumunuan ng isang duke o konde
2. Ipinamigay ang malalawak na lupain (fief) sa mga lider militar
3. Ipinagkaloob niya sa mga maliliit na haring may taglay na kapangyarihang administratibo, militar, at hudikatura ang pangangasiwa sa kanilang sariling teritoryo
4. Nagtalaga siya ng mga missi dominici o mga tagasiyasat sa bawat teritoryo na nangangasiwa bilang kinatawan niya