pagbasa

Cards (78)

  • Pagbabasa ay isang proseso ng pag-iisip sapagkat may interaktibong proseso sa pagitan ng manunulat at mambabasa
  • Asimilasyon ay naiuugnay ang nakaraan at kasalukuyan
  • Reaksyon ay paghatol sa kawastuhan, kahusayan at kahalagahn ng tekstong binabasa
  • Ang pag-unawa ay inaalan ang kaisipang nakapaloob sa nga nakalimbag na simbolo
  • Ang persepsyon ay pagtukoy sa mga simbulong ginagamit tulad ng ponema, morpema, at iba pang bahagi ng gramatika
  • paksa ay ang pinakasentro at piankapangunahing ideya sa loob ng teksto
  • paksa - dito umiikot ang kabuuan ng teksto o seleksyon
  • Layunin ng Tekstong Impormatibo
    •       Upang makapagbigay ng impormasyon
    •        Gumawa ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling na pagpapaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao
    •       Maging daluyan ng makatotohanang impormasyon sa mambabasa
  • Katangian ng tekstong Impormatibo
    1. Malinaw - nakatuon lamang ang atensyon sa paksang tinatalakay sa teksto mga  salitang tiyak at  tuwirang maghahatid ng mensahe
    2. Tiyak - nakatuon lamang ang atensyon sa paksang tinatalakay sa teksto
    3. May kohirens - may maayos na daloy ng kaisipan at may pagkakasunod-sunod ng impormasyon
    4. Empasis - binibigyang-diin ang pangunahing kaisipan
  • Depinisyon - binibigyang-kahulugan ang isang di-pamilyar na termino o mga salitang bago sa pandinig at nais sumulat ng sanaysay o ano pa man
  • Pag-iisa-isa

      a. simple - pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita
    b. komplikado - pagtalakay sa pamamaraang patalata ng pangunahing paksa
  • Pagsusunod-sunod
    isang paraan ng pag-oorganisa at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o proseso
  • Paghahambing
    nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay, kaisipan o ideya na maaaring halinhinan (alternating)  o isahan (block).
  • Problema at Solusyon
    ang pagtalakay sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan ang pokus ng hulwarang ito. Karaniwang inuunang talakayin ang  problema bago ang solusyon bagama’t minsan ay ang kabalikan nito.
  • Sanhi at Bunga
    - tinatalakay ang mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at ang epekto ng mga ito. Makikilala ito sa paggamit ng  mga salitang dahil, kaya at iba pa.
  • 3 paraan na maaaring gamitin ng manunulat sa pagbibigay depinisyon
    1. paggamit ng mga sinonim o katulad
    2. intensib - ginagamit ang tatlong bahagi sa pagsulat
    3. extensib - pinalalawak ang kahulugan
  • Tekstong Impormatibo
    • Ito ay pagpapaliwanag at paglalahad
    • Nakahanay sa isang maayos  at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng
    • Nagpapahayag ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kaalaman ng taobago at dagdag na kaalaman ng ibang tao
  • Ang salitang ekpositori ay katawagan rin sa tekstong impormatibo
  • Tekstong deskriptibo
    Isang pagpapahayag ng mga impresyon sa paraang paglalarawan
  • Tekstong deskriptibo
    Nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy at pandama
  • Ang tekstong deskriptibo ay naglalayong makabuo ng isang malinaw na biswal, larawan, at imahen upang mapalutang ang pagkakakilanlan nito
  • Ang tekstong deskriptibo ay layon nitong makalikha sa mambabasa ng isang madetalyeng imahinasyon na magsisilbing pundasyon upang paniwalaan ang katotohanan ng isang bagay, pangyayari o anumang nagaganap sa araw-araw
  • Gumagamit ng pang-uri at pang-abay ang sumusulat ng tekstong deskriptibo
  • Mga elemento (tatlong paraan ng paglalarawan)
    • Karaniwan
    • Teknikal
    • Masining
  • Karaniwan
    • maganda
    • nasusunog
    • nagdudumali
    • di maabot
    • Kapatid
  • Masining
    • marikit
    • nagliliyab
    • aligaga
    • di-maapuhap
    • karugtong-pusod
  • Subhektibo
    Ibinabatay lamang ng manunulat ang kaniyang paglalarawan sa kaniyang mayamang imahinasyon at hindi sa katotohanan
  • Obhektibo
    May pinagbabatayang katotohanan ang paglalarawan
  • Tayutay
    Isang sinadyang paglayo sa ordinaryong paggamit ng salita. Kaiba ang paglalahad. Di tahas ang kahulugan kaya't masasabing lumilikha ito ng larawan o imahen
  • Uri ng tayutay
    • Pagtutulad (simile)
    • Pagwawangis (metapora)
    • Personipikasyon o Pagsasatao
    • Hayperboli o Pagmamalabis
  • nagagalit nangunguyam nanghahamon nambabatikos ay mga ilan sa tono ng tekstong persuweysib
  • isang estratehiya ang pagkakaroon ng humor o katatawanan sa tekstong persuweysib
  • Tekstong Naratibo
    Isang uri ng tekstong nagpapahayag ng mga serye ng pangyayaring kawil-kawil, mga karanasan at oras bilang siyang pinakapinag-uugatan ng istruktura nito
  • Tekstong Naratibo
    • Maaaring mahaluan ng pagsasalaysay na palahad, palarawan at pangangatwiran
    • Iniiwasan ang maliligoy na salita
    • May pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
    • Nakaaapekto sa damdamin o emosyon
  • Layunin ng Tekstong Naratibo
    • Makapaglahad ng mga kawil-kawil na pangyayari sa kuwento
    • Maisa-isa ang mga impormasyon o detalye sa organisadong paraan
    • Makilala ang elemento ng isang kuwento
  • Uri ng Tekstong Naratibo
    • Mito
    • Talambuhay
    • Alamat
    • Balita
    • Epiko
    • Dula
    • Pantasya
    • Parabula
    • Kuwentong-bayan
    • Pabula
  • Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
    • Tauhan
    • Tagpuan
    • Banghay
    • Anachrony
    • Tunggalian
    • Punto de bista
  • Tauhan
    Gumaganap o nagbibigay buhay sa kuwento
  • Uri ng Tauhan
    • Pangunahing Tauhan
    • Kasamang Tauhan
    • Katunggaling Tauhan
    • May-akda
  • Tauhang Bilog
    Isang tauhang may multi-dimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad