Ap10q3

    Cards (33)

    • Anti-Violence Against Women and Their Children Act

      Isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito
    • Mga mabibigyan ng proteksiyon ng batas
      • Kababaihan
      • Mga anak ng kababaihan
    • Kababaihan
      Kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon
    • Mga anak
      Mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga
    • Mga maaaring magsagawa ng krimen at maaring managot sa ilalim ng batas
      • Mga kasalukuyan at dating asawang lalaki
      • Mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki
      • Mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae
      • Mga lalaking nagkaroon ng "sexual or dating relationship" sa babae
    • Magna Carta for Women
      Isang batas na isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW
    • Magna Carta for Women
      • Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao
    • Responsibilidad ng pamahalaan
      • Proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan
      • Maglalatag ng mga nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas
      • Gumawa ng mga hakbang upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasiyon laban sa kababaihan
      • Basagin ang mga stereotype at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki
    • Saklaw ng Magna Carta
      • Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity
      • Mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba't ibang larangan, Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances
    • Marginalized Women
      Mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo
    • Mga kabilang sa Marginalized Women
      • Mga kababaihang manggagawa
      • Maralitang tagalungsod
      • Magsasaka at manggagawang bukid
      • Mangingisda
      • Migrante
      • Kababaihang Moro at katutubo
    • Women in Especially Difficult Circumstances
      Mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, "illegal recruitment", "human trafficking" at mga babaeng nakakulong
    • Media-advocacy
      Ang pangunahing gawain ng bawat pangkat ay makagawa ng mga malikhaing hakbang na magsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba't ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan
    • CEDAW
      Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
    • CEDAW ay ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya
    • Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW
      Disyembre 18,1979
    • Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW
      Hulyo 15, 1980
    • Niratipika ng Pilipinas ang CEDAW
      Agosto 5, 1981
    • Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang nakakaalam nito
    • Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan

      1. Itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan
      2. Inaatasan ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan
      3. Ipinagbabawal ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito
      4. Inaatasan ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo
      5. Kinikilala ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon ang State parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae
    • Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito
    • Mga inaasahan sa mga State parties
      • Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina
      • Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilan karapatan
      • Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba't ibang hakbang kondisyon at karampatang aksiyon
      • Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan
    • Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006
    • Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation at gender identity o SOGI) na nagmula sa iba't ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia
    • Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT
    • Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga rekomendasiyon
    • UN Sec Gen Ban Ki- Moon: '"LGBT rights are human rights."'
    • Prinsipyo 1: ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO

      Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao
    • Prinsipyo 2: ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON

      Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.
    • Prinsipyo 4: ANG KARAPATAN SA BUHAY
      Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
    • Prinsipyo 12: ANG KARAPATAN SA TRABAHO

      Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, samakatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
    • Prinsipyo 16: ANG KARAPATAN SA EDUKASYON

      Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
    • Prinsipyo 25: ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO
      Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal.
    See similar decks