Mula sa etymology ng theory: Gk. theoria "contemplation, speculation, a looking at, things looked at," from theorein "to consider, speculate, look at," from theoros "spectator," from thea "a view" + horan "to see"
Sa Ingles na kahulugan, ayon kay Panganiban (1973): very deep thought, abstract conception
Paglilirip
Maingat na pag-iisip, may pagsusuring sangkot sa gawaing pag-iisip
Hiraya at Paghihiraya
Hiraya - ilusyon, imahinasyon, bisyon; Paghihiraya - kakayahan ng isip na maging malikhain o maparaan, bumuo ng mga imahen o konsepto ng mga panlabas na bagay na hindi umiiral o hindi totoo, bumuo ng mga bagong imahen o ideya sa pamamagitan ng pagdudugtong-dugtong ng mga dating karanasan
Pagdadalumat
Tumutukoy sa pagteteorya at pagbubuo ng mga konsepto o kaisipan na mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay bagay sa lipunan
Pagdalumat-salita
Paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging konsepto
Nagaganap upang maipaliwanag ang nais na ipabatid o ibahagi, bumuo ng bagong salita, para madali itong maiparating at maunawaan
Maaaring huminto sa pangkat ng mga lumikha nito o patuloy na umunlad, hanggang sa lumawak na ang gumagamit nito
Sarilaysay
Sariling paraan o estilo ng manunulat na magsalaysay, pinakalayunin ay mahikayat, mapukaw ang guni-guni, maganyak, bigyang-pansin at pag-aralan ng babasa ang kaniyang isinulat
Pagsasalin at Pagdadagdag ng Kahulugan
Kaalamang ipinasa ng mga ninuno na maaaring nabawasan o nadagdagan dahil hindi tiyak na eksakto ang pagtanggap ng mga impormasyon ng mga sinusundangsalinlahi
Maraming mga salik ang maituturing sa pagdadagdag ng kahulugan, isa rito ay maaaring pinayaman na o kaya'y iniangkop sa panahon nang ito ay ipasa nila sa sumunod na lahi
Pag-aangkop / Rekonstektwalisasyon
Pagpili ng salita na naayon sa mga kasamang salita sa parirala, sugnay, pangungusap o kaya'y talata
Rekonstektwalisasyon - muling pagbigay pagtingin sa kahulugan o konsepto ng isang akda
Kasaysayan bilang 'Salaysay na may Saysay'
Ang "Kasaysayan" ay "mga salaysay na may saysay" para sa sinasalaysayang grupo ng tao, hindi na nalilimita sa mga opisyal na dokumento ng makakapangyarihan lamang
History
Written record
Kasaysayan
Salaysay o kwento
Kahulugan, katuturan, kabuluhan at kahalagahan
Ang "Kasaysayan" ay "mgasalaysaynamaysaysay"
Kung ito ay may saysay, may saysay para kanino? Para sa sinasalaysayang grupo, para sa tao
Sa Unibersidad ng Pilipinas, ang depinisyon ng "Kasaysayan" ay "Mga salaysay na may saysay para sa sinasalaysayang grupo ng tao"
Ang mga pasalitang tradisyon tulad ng mga epiko, alamat, mito, kwentong bayan at maging at mga kanta at jokes, bagama't kathang isip ay maaaring maging batis ng kaisipan at paniniwala ng mga tao na hindi nagsisulat ng mga dokumento
Positibista
Pagsasalaysay batay sa ebidensya
Bagong Kasaysayan
Pagkakasal ng depinisyong Pilipino ng "Kasaysayan" at ang metodolohiyang positibista ng "History"
Hindi lahat ng nasa nakaraan ay kailangang igiit, kundi iyon lamang "may saysay" sa bayan
Pantayong Pananaw
Isang nagsasariling diskurso ng mga Pilipino sa wikang pambansa para sa kasaysayan at agham panlipunan
Ang pantayong pananaw ay nagsasama-sama ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan na ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika
Ang wikang Filipino ay hindi payak na tagapagpahiwatig, tagapagpahayag at tagapag-ugnay ng kasaysayan, kundi imbakan o pinagkukunan ng kasaysayan dahil dito umaagos ang kalinangan at karanasan
Pilipinohiya
Masistematikong pag-aaral ng Pilipinong kasipian, kultura at lipunan
Ang kaisipan, kultura, at lipunan ng Pilipinas ay nag-ugat sa mga karanasan ng mga katutubong Filipino
Ang Kastila at Amerikano ay may ambag sa akademikong disiplina sa Pilipinas, ngunit naging isip-kolonyal ang mga Filipino
Ang Pilipinolohiya ay kailangan upang mapalaya ang Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan
Ang mga pananaw ng mga Pilipino ay nag-ugat sa mga katutubong kamulatan at kamalayan upang mabuo ang makabansang kabihasnan
Sangandiwa
Kaisahan ng pagkakaiba, kabuuan ng maramihang pakikisangkot, kinikilala ang kaisahan at kasarinlan bago magsanga-sanga
Ang anyo't nilalaman ng kaalamang Filipino'y nabubuo sa paglinang ng diskursong panloob at panlabas na may lalim at lawak