Pagpili ng Paksa

Cards (8)

  • Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap ng mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin (Arel, 1996).
  • Ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan (Atienza, 1996).
  • Iba't ibang uri ng pananaliksik
    1. Puro o Pangunahing Pananaliksik
    2. Praktikal o Aplikadong Pananaliksik
    3. Kwantitatibong Pananaliksik
    4. Kwalitatibong Pananaliksik
    5. Mapanuring Pananaliksik
    6. Holistikong Pananaliksik
    7. Ebalwatibong Pananaliksik
    8. Maunlad na Pananaliksik
    9. Pagalugad na Pananaliksik
    10. Deskriptibong Pananaliksik
    11. Ekspiremental na Pananaliksik
  • Kwantitatibong Pananaliksik - Gumagamit ng estadistika upang suriin ang datos na nakalap at malaman ang tiyak na resulta nang sa gayon ay makapagbigay ng mahalagang impormasyon para sa suliraning hinaharap.
  • Kwalitatibong Pananaliksik - Inilalarawan ang ugnayan ng mga datos na nakalap mula sa mga panayam o obserbasyon ng mananaliksik sa kaniyang kapaligiran kung saan mahahanap ang impormasyong kailangan.
  • Paksa - Ayon kay Dayag, Alma,. et al (2016), ang salitang paksa ay kadalasang tumutugon sa ideyang tatalakayin sa isang sulating pananaliksik. Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng isang papel pananaliksik.
  • Paglilimita ng Paksa
    1. Sakop ng Edad
    2. Sakop ng Kasarian
    3. Sakop ng Panahon
    4. Sakop ng Lugar
    5. Sakop ng Perspektiba
    6. Sakop ng Propesyon o Grupong Kinabibilangan
    7. Sakop ng Anyo/Uri
  • Ayon kina Bernales, et al., (2016) hangga’t maaari ang mga salita sa pamagat ng pananaliksik ay hindi kukulangin sa sampu (10) at hindi hihigit sa dalawampu (20).