Sa modernong panahon lalong gumanda ang Pilipinas, ngunit sa kagandahang dala nakatago ang sang katutak na problema. Unang una diyan ang kahirapan na nagpapahirap sa bawat mamamayan ng Pilipinas. Kailangan nating ipaalam sa ating gobyerno na nangangailangan ang bawat Pilipino ng trabaho. Hindi niyo ba napapansin ang mga batang walang sapat na nutrisyon at may kumakalam na sikmura na naninirahan lamang sa ilalim ng tulay o di kaya naman palakad lakad sa kalsada na animo'y walang pupuntahan. Ito Ay ilan lamang sa Libu-libong mapapait na resulta na nangyayari sa ating komunidad. Resulta, Resulta Ng Ating Pabayang gobyerno ang kawalan ng trabaho ng mamamayang Pilipino. Saan pa nga ba hahantong ang Pilipinas na sinubok ng dayuhan at hinubod ng panahon? Ipaglaban natin kaibigan ang ating kinabukasan sa bansang ating kinatatayuan. Lumaban tayo kaibigan!