Aralin 1| Pagkamamamayan

Cards (16)

  • Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibidwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya au ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
  • Ang pagkamamamayan ay nangangahulugang pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas.
  • Saligang Batas 1987 - pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan
  • Artikulo 4, Seksyon 1 ng Saligang Batas 1987
    Ang mga sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
    1. mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito.
    2. Ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas.
    3. mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang.
    4. mga naging mamamayan ayon sa batas
  • Artikulo 4, Seksyon 2 ng Saligang Batas 1987 - Ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng dayuhan ay mananatiling Pilipino maliban na lamang kung pipiliin nyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa.
  • Seksyon 3 - Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
  • Seksyon 4 - Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil dito.
  • Seksyon 5 - Ang dalawang karapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
  • Republic Act 9225 - Ang mga dating mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan o dual citizenship.
  • Ang unang dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa.
  • Iba pang dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayan:
    1. panunumpa ng karapatan sa saligang-batas ng ibang bansa;
    2. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan;
    3. nawala na ang bisa ng naturalisasyon
  • 2 uri ng mamamayan:
    1. Likas o katutubo - anak ng Pilipino, parehas mang magulang o isa lang.
    2. Naturalisado - dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa prosesong naturalisasyon
  • Ligal na Pananaw
    • Ang konsepto ng pagkamamamayan (citizenship) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
  • Ayon kay Yeban (2004)
    • Ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang: makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, mag pagpupunyagi sa mga bayani, gagawin ang karapatan at tungkulin, bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, kritikal at malikhaing pag-iisip.
  • 2 prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino:
    1. Jus Sanguinis - naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila
    2. Jus Soli - naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang
  • Batay sa RA 9225:
    Sa pamamagitan ng naturalisasyon, maaaring maging mamamayang Pilipino ulit ang isang tao kahit sya ay naging mamamayan ng ibang bansa. Magkakaroon siya ng dual citizenship.