Ang edukasyon sa Pilipinas ay sama-samang pinangangasisiwaan ng tatlong ahensya. Ang trifocalization ay isa sa mga rekomendasyon ng Congressional Commission on Education (EDCOM) noong 1994.
Mga Tagapangasiwa ng Edukasyon
Basic Primary Education – Kindergarten, Elementary, Junior High School, Senior High School
Technical-Vocational Courses at Middle Education (TESDA)
Tertiary at Graduate Education
Alinsunod sa Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987 (Artikulo XIV, Sek. 5.5) ang paglalaan ng pinakamalaking bahagi ng pambansang badyet sa sektor ng edukasyon.
Halimbawa ng paglalaan ng pondo sa edukasyon
Sa 2017 na pambansang badyet na PHP 3.35 trilyon, may inilaang PHP 544.1 bilyon para sa mga State Universities and Colleges (SUCs), at PHP 18.17 bilyon para sa Commission on Higher Education sa 2017.
Pangunahing Edukasyon: K-to-12
Ang pangunahing edukasyon (primary education) sa Pilipinas ay nakasailalim sa programang K to 12. Ang programang ito ay binubuo ng Kindergarten at 12 taon ng basic education. Ito ay alinsunod sa Enhanced Basic Education Act of 2013.
Bago naipatupad ang K+12, tanging ang Pilipinas na lamang ang natirang bansa sa Asya, at isa sa tatlong bansa sa buong mundo ang nagpapatupad ng 10 taon pangunahing edukasyon.
Layunin ng K+12 program
Maglaan ng sapat na panahon para mapaunlad ang pang-akademikong kakayanan ng mga mag-aaral at hubugin sila ayon sa mga propesyon o kurso nan ais nilang pasukin sa kalaunan.
Ang bilang ng araw ng klase ay dapat hindi humigit sa 220 na araw ayon sa Republic Act 7797. Ang klase ay hindi maaaring magsimula nang mas maaga sa unang Lunes ng Hunyo at hindi lalampas ng huling araw ng Agosto.
Sinimulan noong Academic Year 2014-2015 ng ilang unibersidad ang Calendar Shift (Agosto-Hunyo at Setyembre-Hunyo). Ang ilang isinusulong na isyu ay ang panahon, Professional Regulation Commission's board exam at bar exam, at ang integrasyon sa ASEAN.
Mga institusyon para sa mas mataas na edukasyon
Higher Education Institutes (HEIs) - Unibersidad at kolehiyo na pampubliko at pribado. Kabilang sa mga pampublikong HEIs ay ang mga state universities at colleges na pinupondohan ng gobyerno (CHED) at binuo ng batas.
Madrasah Education Program
Upang mabigyan ng pantay na oportunidad sa edukasyon (Education for All) habang pinanatili ang pagkakakilanlan ng kultur at paniniwala, isinulong ng DepEd ang Madrash Education Program sa mga madaris (paaralang Muslim), lalo na sa Mindanao.
Sa DepEd Order 51, s. 2004, maging bahagi ng basic education curriculum ng mga madaris, pribado o pampubliko man, ang Arabic Language ang Islamic Values (ALIVE).