Ang salitang ugat ng Kasaysayan ay Saysay na ang ibig sabihin ay
* Salaysay o kwento
* Kabuluhan o kahalagahan
Ano ang kahulugan ng Kasaysayan sa perspektibang Pilipino?
Kwentong may kabuhuluhan o salaysay na may saysay
Paano nagkakaroon ng kabuluhan ang kuwento sa Kasaysayan?
Kapag ito ay nakalahad sa wikang naiintindihan
at nakaayon sa sariling perspektiba o pananaw na Pilipino/ Asyano
Mga Batayan/ Batis ng "Kasaysayan":
Nakasulat (hal., Pahayagan/ talambuhay)
Di-nakasulat
Pasalita at
materyal o artifact o kagamitan
Halimbawa ng pasalitang (Di-nakasulat) batis ng kasaysayan
kwentong bayan o alamat
Halimbawa ng materyal na batis ng kasaysayan
sandata, kasangkapan
Ang salitang-ugat ng konseptong Ingles na History ay
“histor” sa wikang Griyego na ang ibig sabihin ay “judge” hukom o taong maalam
“historia” sa wikang Griyego at Latin/ Romano na ang ibig sabihin ay
“inquiry” - pagtatanong o pagsisiyasat;
“knowledge” - kaalaman hinggil sa nakaraan.
Mula sa pinagmulan na salita ng history masasabing ito ay nangangahulugang
“History is the study of the past” o “knowledge about the past.”
Ano ang katangian ng “history”?
Nasa perspektibang kanluranin o banyaga
Ang Batayan o Batis ng "History" ay tanging Dokumento o nakasulat (“No document, therefore no History”)
Batay sa mga teorya ng Continental Drift at Plate Tectonics:
ang Pilipinas ay bahagi ng Philippine Sea Plate na siyang naaapektuhan ng mga paggalaw ng malalaking plate ng Asya at Europa
Dahil dito, nabuo ang bansa bilang isang kalipunan ng mga pulo o arkipelago.
Nagkaroon ng ebidensiya ng paninirahan ng mga uri ng tao sa Pilipinas
Homo erectus- TAONG CALLAO na natagpuan sa Cagayan noong ca. 250,000taon BK
matandang Homo sapiens- TAONG TABON na natagpuan sa Palawan noong ca. 40,000 taon BK
Noong panahon ng Bagong Bato/ Neolitiko, ang grupong naglayag at nakarating sa kapuluan ay ang AUSTRONESYANO na pinaniwalaang pinagmulan ng lahing Pilipino, Malayu at Indones.
Ang Austronesyano ay maituturing na wika at lahing laganap sa kapuluan ng Timog Silangang
Asya, at sila’y may taglay na kulturang seafaring, maritimo o mandadaragat.
Ilang halimbawa
nito ay ang pagiging bihasa sa gawain sa dagat gaya ng:
paggawa ng bangka o balanghai,
paninirahan sa pampang ng ilog at dalampasigan, at
pagpapahalaga sa palitan at kalakalal
Pantayong Pananaw ng Kasaysayan - "Salaysay ng Pilipino para sa Pilipino, gamit ang wikang Pilipino at nakaayon sa pananaw ng Pilipino
Austronesyano
Sila ang ninuno ng Pilipino at pinagmulan ng pamumuhay na Pilipino;
Nabuo ang pamayanang Saraya at Sailud dahil sa paninirahan nila sa pampang ng ilog at baybaying-dagat