Halimbawa ng mga relihiyong animismo ay ang Taoism, Shintoism, at Paganism
Kung ilalapit naman sa pinagmulan ng mga Pilipino, ang Austronesians ay may animista ring paniniwala na naglalaman ng:
kosmolohiya,
espiritwal na mundo,
at mitolohiyang kaugnay ng kalikasan.
Animismo ay paniniwala na ang lahat ng natural na bagay, maging halaman, hayop, bato, at kidlat ay nagtataglay ng mga espirito na may kakayahan na maapektuhan ang mga pangyayari sa paligid ng tao.
Mga halimbawa ng animismong paniniwala ng mga sinanunang Pilipino:
Balatik at Moroporo - mga bituin na ginagamit bilang pananda sa panahon ng pagkakaingin
Guibang - ritwal ng mga Bisaya kung saan tinatanong ang kapalaran ng pangingisda sa bangka at paghihintay ng paggalaw nito bilang pahiwatig o sagot
Ang mga kasanayang ito ay tulad ng
pag-aalay,
pagdarasal, at
paghingi ng biyaya mula sa mga maka-ispiritwal na nilalang
ay ginagawa upang parangalan ang mga ninuno
Ang pinakamakapangyarihang ispiritwal na nilalang sa paniniwalang anituismo ay ang Bathala na siyang manlilikha, protektor, tagapangasiwa ng lahat
Ang malalim na paniniwalang ito ng katutubo ay naging sanhi ng patuloy na pagyabong ng mga kagubatan noon.
Ang “animismo” ay nagsimula sa salitang ugat na “anima” na may ibig sabihing kaluluwa o espiritu.
Ang anyo ng animismo sa Pilipinas ay ang anituismo
Ang anituismo ay hango sa salitang ‘anito’ na nangangahulugang:
espiritu ng mga ninuno at
espiritu ng kalikasan (o nono)
na pinaniniwalaang mabubuti at tagapagtanggol sa lahat ng nabubuhay laban sa masasamang espiritu
May tradisyon din ang mga Pilipino na maghandog ng pagkain o papuri sa mga ‘nono’.
Maaari itong isang spiritu na nasa
puno,
malakingbato,
buwaya,
ilog
at bukid.
Wala silang partikular na pangalan
May paniniwala rin sa kapatagan sa isang pinakamataas na diwata o diyos na tinatawag na Bathala ng mga Tagalog at Laon ng mga Bisaya