Ang Sa-raya na nangangahulugang "tao sa raya" o "tao sa laya" ay bumubuo sa komunidad na naninirahan sa loob ng kabundukan, gamit ang mga sapa ng tubig at lupa bilang kanilang pangunahing pinagmumulan ng pamumuhay.
Bayan
-ay tumutukoy sa isang grupo ng mga tao na may parehong kultura, paniniwala, o relihiyon
-maaari rin itong tumukoy sa isang lugar kung saan naninirahan ang isang lipunan
Ang salitang-ugat na “ilud” ay nangangahulugang “sa ilalim”, kaya ang mga tao sa Ilud ay mas kilala bilang ilawud o downriver people sa Ingles.
Ang pamayanang ito ay tumutukoy sa mga taong nakatira sa wawa ng ilog sa tabing-dagat.
Sila ay naninirahan sa Cotabato City at binubuo ang Sultanato ng Maguindanao
Nakatuon ang Sa-ilud sa pagluluwas ng mga protina o pagkain mula sa ilog tulad ng:
isda,
asin, at
perlas
dahil ito ang mga pangunahing produkto nila
Austronesian Expansion/ Migration Theory ay isang teorya na nagmumungkahi na ang paglaki ng populasyon sa Pilipinas ay siyang resulta ng migrasyon ng isang grupo ng mga tao mula sa asya na tinatawag na Austronesiano
Ang mga austronesiano ay mga grupo ng manlalayag na naglakbay gamit ang kanilang kultura at teknolohiyang maritimo. Ang pangunahing ikinabubuhay nila ay pangingisda at pagtatanim.
Ang konsepto ng Barangay:
(1) bilang sasakyang pandagat at
(2) bilang pangkat ng kamag-anakan na lulan ng sasakyang ito.
Sa-raya o “Ilaya” ay ang tawag sa komunidad na umusbong sa bundok na pinanggagalingan ng ilog. Tinatawag din itong komunidad sa “interyor".
Sa-Ilud o “ilawud” naman tawag sa komunidad na umusbong sa wawa ng ilog sa tabing dagat. Tinatawag din itong komunidad sa “eksteryor”.
Ang pangunahing produkto ng komunidad sa “interyor” ay ube, palay, at gabi.
Samantala, sa “eksteryor” ay perlas at isda
Maguinoo - ay kabilang sa tinatawag na elite class na siyang binubo ng rajah (hari) o datu at ang pamilya nito.
Maharlika -ang tawag sa mga tagapagpayo sa mandirigma.
Timawa o Malaya, ang tawag sa karaniwang mamamayan na walang pribilehiyong maharlika at wala ring katungkulang magsilbi bilang isang alipin.
Alipin
(1) Namamahay o tumarampu - ay ang mga aliping maaring magkaroon ng tirahan o ari-arian
(2) saguiguilid o ayuey - ay ang pinakamababang uri ng alipin. Sila ang mga tauhang nagkautang (debt peons).
Nakikipagkalakal din ang mga sinaunang pamayanan sa mga Instsik gamit ang kanilang produkto tulad ng:
pagkit,
bulak,
tela,
bunga,
niyog,
coral,
balate,
balat ng hayop,
perlas,
at sandalwood.
Ang tradisyong pasalita tulad ng:
alamat,
bugtong,
talinhaga,
ambahan
at kasumpaan - ay isang lihim na kodigo patungkol sa alamat ng mga ninuno
ay siya namang luminang sa pagpapatatag ng kanilang kamag-anakan at etnikong pagkakakilanlan.
Catalonan- o katutubong pari at hepe ng barangay.
Mahalaga ang tungkulin ng catalonan bilang:
tagapaghatid mensahe ng mga buhay sa mga namatay na mga ninuno at
bilang tagapagtago ng mga lihim na kodigo.
1,000 B.K.- Kalakalan/Palitan at impluwensiyang Asyano (impluwensiyang HinduBuddhista, Arabo at Tsino.