Aralin 2: SEKTOR NG AGRIKULTURA

Cards (113)

  • Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura
  • Ang agrikultura ay nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon
  • Mga bahagi ng sektor ng agrikultura
    • Paghahalaman (farming)
    • Paghahayupan (livestock)
    • Pangingisda (fishery)
    • Paggugubat (forestry)
  • Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka
  • Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa
  • Tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012
  • Mga produkto ng paghahalaman
    • Palay
    • Mais
    • Gulay
    • Halamang-gubat
    • Halamang mayaman sa hibla (fiber)
    • Mani
    • Kamoteng kahoy
    • Kamote
    • Bawang
    • Sibuyas
    • Kamatis
    • Repolyo
    • Talong
    • Kalamansi
  • Ang paghahayupan ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa
  • Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain
  • Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop
  • Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay
  • Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo
  • Uri ng pangingisda
    • Komersiyal
    • Munisipal
    • Aquaculture
  • Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo
  • Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel
  • Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba't ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maala)
  • Ang aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan na umabot sa Php92,289.9 bilyon noong 2012
  • Kasunod nito ang pangisdaang munisipal na may Php79,527.4 bilyon at komersyal na may Php65,894.2 bilyon
  • Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman
  • Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura
  • Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito
  • Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer
  • Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga
  • Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya
  • Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan
  • Kahalagahan ng agrikultura
    • Pangunahing pinagmumulan ng pagkain
    • Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto
    • Pinagkukunan ng kitang panlabas
    • Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino
    • Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod
  • Ang sektor ng agrikultura ay isang mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa
  • Katuwang ito ng pamahalaan mula sa mga pagkain hanggang sa mga sangkap ng produksiyon
  • Ang kasiguraduhang sa pagpapalakas at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan sapat ang kalakasang pisikal at kasaganaan sa bawat tahanan ay maaaring may bayan ang magagawa, maaari itong maging mga produkto na ikakalakal sa labas ng positibong epekto sa isang bansa
  • Kung hihigit sa pangangailangan ng bansa, ang sektor ay magiging isang matibay na sandigan ng bayan upang makamit ang inaasam nitong kaunlaran
  • Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka
  • Kinakailangang mapalakas ang pagiging produktibo ng mga natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa na nasa 100 milyon ngayong 2014
  • Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit pang mga suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran
  • Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya
  • Ang kakulangan ng pamahalaan na bumalangkas ng isang polisiya na magbibigay-daan sa isang kapaligirang angkop sa pagpapalakas ng ating agrikultura ang isa sa mga kahinaang dapat matugunan
  • Ang pagpapatatag sa antas ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay nangangailangan ng agarang atensiyon ng pamahalaan
  • Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit ng ating mga magsasaka
  • Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modemization Act of 1997) ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor upang masiguro ang pagpapaunlad dito
  • Inaasahang sa wastong pagpapatupad ay matutugunan ang ilang suliranin sa irigasyon, farm-to-market-road, at iba pa
  • Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na maging matatag ang agrikultura