Ang sektor ng industriya ay nakapagdudulot ng napakalaking kontribusyon sa ekonomiya. Sa bawat litro ng pintura na magagawa, nangangailangan ito ng maraming kemikal na sangkap sa paggawa, lalagyang lata o plastik, tatak, at iba pang impormasyong nakasulat dito, mga sasakyan na maghahatid sa pamilihan, kagamitan na maghahalo, mag-filter, at mag-store sa produkto. Maliban pa dito, mangangailangan din ng koryente at tubig upang mabuo ang mga ito.