Ang Bagong Ideya at Sining: Ang Humanismo 222-227

Cards (52)

  • Isa sa elemento ng Renaissance sa Italya ang kilusan na kung tawagin ay humanismo (humanism).
  • Ang humanismo ay isang sistemang pangkaisipan o aksiyong may malasakit sa interes ng tao.
  • Nagkaroon ang humanismo ng malaking epekto sa Europe.
  • Binigyang-pansin ng humanismo ang tao. Maraming kahulugan ang humanismo sa Panahon ng Renaissance.
  • Sa simula, ang humanismo ay isang pag-aaral ng mga panitikang klasikal at pangwika.
  • Sa kadahilanang ang mga sinaunang Romano ay mga ninuno ng mga Italyano, tiningala ng mga humanista ang Greece at Rome bilang modelo sa lahat ng aspekto ng buhay.
  • Pinaniniwalaan ng mga humanista na ang edukasyon ay dapat magmulat sa makasining na kakayahan ng mga indibidwal.
  • Ang edukasyon ay ginawang gabay upang maunawaan ang buhay ng tao.
  • Naging popular ang mga disiplinang humanidades tulad ng balarila, retorika, panulaan, kasaysayan, at pilosopiya gamit ang mga akdang Romano at Griyego sa Panahong Renaissance.
  • Ayon sa mga humanista, dapat maging mahusay ang isang tao sa iba't ibang larang.
  • Sa aklat ni Baldassare Castiglione na The Courtier, inaasahan ang isang lalaki na maging bihasa at maalam sa mga akdang klasikal at mahusay sa larang ng musika, panulaan, palakasan, at pakikipaglaban.
  • Tinaguriang "Ama ng Humanismo" si Francesco Petrarca na lalong kilala bilang Petrarch.
  • Francesco Petrarca - Siya ay ipinanganak sa Florence sa isang pamilya ng mga abogado.
  • Francesco Petrarca - Kinilala siya bilang pinakamahalagang manunulat ng kaniyang panahon.
  • Francesco Petrarca - Tinutulan niya ang kagustuhan ng kaniyang ama na maging abogado.
  • Francesco Petrarca - Binasa niya ang mga isinulat ng mga manunulat na Romano tulad nina Cicero at Virgil.
  • Francesco Petrarca - nag-aral siya ng abogasiya sa isang unibersidad, ngunit pagkarang mamatay ng kaniyang ama noong 1326, iniukol niya ang kaniyang panahon sa pag-aaral ng mga sulating klasikal.
  • Francesco Petrarca - nagkaroon siya ng koleksiyon tungkol sa sinaunang panitikan.
  • Francesco Petrarca - Ang kaniyang ideya tungkol sa mga gawaing klasikal ay naging popular at, hindi nagtagal, nag-unahan ang mga prinsipe at iskolar sa pangongolekta ng mga manuskrito nito.
  • Francesco Petrarca - Sa kaniyang kabataan, sumulat siya ng mga tula na nagsasalaysay ng pagmamahal niya sa isang babae na tinawag niyang Laura.
  • Francesco Petrarca - naniwala sa mga aral ng Kristiyanismo.
  • Francesco Petrarca - siya ay sumulat ng mga akdang pampanitikan.
  • Francesco Petrarca - sa kaniyang His Sonnets to Laura, isang tula ng pag-ibig, nagsilbing inspirasyon niya ang isang babaeng nakilala niya sa malayong lugar.
  • Francesco Petrarca - Naging huwaran din ng mga manunulat sa kaniyang panahon ang mga akda niya.
  • Katulong din sa pagpapalaganap ng humanismo si Giovanni Boccacio.
  • Giovanni Boccacio - Isa siyang manunulat at kolektor ng mga sinaunang akda.
  • Giovanni Boccacio - Tanyag ang kaniyang mga sulatin tulad ng Filostrato, Teseida, at Decameron.
  • Mula naman kay Nicollo Machiavelli, nagkaroon ng malaking pagbabago ang pamamahala sa Europe.
  • Kilalang-kilala sa larang ng kaisipang politikal si Machiavelli.
  • Nicollo Machiavelli - Siya ay ipinanganak sa Florence noong 1469 at anak siya ng isang kilalang abogado.
  • Nicollo Machiavelli - Nanungkulan siya sa siyudad bilang isang diplomat at opisyal ng gobyerno, kung saan nakilala niya ang mga pinakamakapangyarihang pinuno sa Italy.
  • Nicollo Machiavelli - ayon sa kaniya, upang manatili sa kapangyarihan, kailangang gumamit ng anumang paraan.
  • Nicollo Machiavelli - sa kaniyang aklat na The Prince, binigyang-diin niya na bawat aksiyong politikal ay may isang paraan ng panukat-ang tagumpay
  • Nicollo Machiavelli - Ang kasinungalingan, pandaraya, at pagpatay ay katanggap-tanggap kung kinakailangang gawin ito ng isang pinuno.
  • Nicollo Machiavelli - Simula nang mailathala ang The Prince, masusi itong pinag-aralan at mainit na pinagtalunan ng mga taong nakabasa nito.
  • Nicollo Machiavelli - Para sa iba, siya ay isang tusong tao.
  • Nicollo Machiavelli - Alam niya na isa siya sa mga kaaway ng opresyon at korupsiyon, kaya tinuligsa ng mga kritiko ang kaniyang mga payo.
  • Nicollo Machiavelli - Ang mga sumunod sa kaniyang mga aral ay naniwalang ibinigay niya ang isang makatotohanang anyong politika.
  • Nicollo Machiavelli - Ang kaniyang lathalain ay patuloy na paksa ng mga debate dahil binuksan nito ang isang isyu sa etika tungkol sa tunay na kalakaran sa politika.
  • Sa Panahon ng Renaissance naganap ang malaking pagbabago sa kabuhayan.