Sukatan ng Pambansang Kita

Cards (16)

  • Ginagamit ang Gross Domestic Product at Gross National Income upang masukat ang kita at produksiyon ng bansa at malaman kung nagkakaroon ng paglago sa ekonomiya.
  • Gross Domestic Product - tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga nalikhang produkto o serbisyo sa loob ng isang bansa sa tiyak na panahon o taon.
  • Gross National Income - kabuuang kita ng bansa mula sa mga mamamayan at negosyo nito sa loob at labas ng bansa.
  • Ang GNI ay nakabatay sa lahat ng kita ng bansa mula sa mga residente nito at lahat ng gastusin na ginawa sa loob ng bansa o bumalik paloob ng bansa.
  • Tatlong Pamamaraan sa pagtutuos ng Pambansang Kita:

    • Pamamaraang Pang-Industriya ( Industrial Origin Approach )
    • Pamamaraang Kita ( Income Approach )
    • Pamamaraang Gastos ( Expenditure Approach )
  • Pamamaraang Kita (Income Approach) - tinatawag din bilang income approach o factor income method.
  • Gamit ang pamamaraang kita, tinutuos ang kabuuang kita mula sa mga natanggap na kita ng lahat ng salik ng produksiyon na nagawa sa loob ng isang partikular na taon.
  • Bahagi rin ng pamamaraang ito ang pagsasaalang-alang sa buwis at depresasyon (depreciation) na ginagamit bilang reserba ng mga negosyo upang maging kapalit para sa mga makinarya o kaya ay kagamitan na maaring maluma sa tagal ng paggamit nito.
  • Pamamaraang Gastos (Expenditure Approach) - kabuuang kita ng bansa batay sa mga gastusin na nagawa nito sa loob ng isang partikular na panahon.
  • Current o nominal value - tumutukoy sa pambansang kita gamit ang kasalukuyang presyo ng mga produkto at serbisyo kung kailan ginawa ang nasabing pagtataya.
  • Ginagamit ang real o constant value sa pagtutuos ng GDP o GNI nang sa ganoon ay maikompara ang naging pagbabago ng pambansang kita batay sa pagbabago ng presyo ng mga produkto o serbisyo.
  • Gumagamit ang real ng deflator nang sa ganoon ay aktuwal na masusukat ang naging pagbabago sa presyo sa loob ng isang tiyak na panahon.
  • Bukod sa paggamit ng current at real values sa pagsusuri kung nagkaroon ng aktuwal na paglago sa pambansang kita, ginagamit din ang pagtutuos ng growth rate upang malaman ang naging pagbabago nito mula sa nakaraang taon.
  • Ipinapakita ng deflator ang lawak o hangganan sa pagbabago ng presyo sa pamamagitan ng pagtatakda ng batayang taon o base year at paghahambing ng kasalukuyang mga presyo sa batayang taon upang masukat ang aktuwal na pagbabago ng kita ng ekonomiya.
  • GDP deflator = Current GDP / Real GDP x 100
  • Limitasyon ng mga panukat ng pambansang kita:
    1. Hindi nito nasusukat ang impormal na sektor o ang mga pang-ekonomiyang aktibidad na nagaganap sa underground economy.
    2. Hindi nito nasusukat ang epekto sa kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
    3. Hindi nito nasusukat ang pagkakapantay-pantay sa distribusyon ng kita ng bansa.